NADALE rin ng dengue ang anak ng celebrity couple na sina Danica Sotto at Marc Pingris.
Ibinalita ng mag-asawa na naopistal ang 10-year-old daughter nilang si Anielle Micaela, o Caela, nang tamaan ito ng dengue fever kamakailan.
Sa kanyang Instagram page, ibinahagi ni Danica ang ilang litrato ni Caela na kuha sa loob ng kwarto nito sa isang ospital. Sila ni Marc ang nagbantay at nag-alaga sa bagets na ngayon ay unti-unti nang nakaka-recover.
“9/4/22 Goodbye Dengue!!! Thank you Jesus for healing Caela and for giving us the strength to face another battle,” ang caption na inilagay ng TV host-actress sa kanyang post.
Dagdag pa niya, “Thank you also to our Pedia, Doc Delfin Santos and to the nurses and doctors who took care of her.
“Salamat din sa aming prayer warriors. We are now at home at makakahinga na tayo,” mensahe pa ni Danica.
Sa IG post naman ni Marc, pinasalamatan niya ang doktor at mga nurse na tumutok kay Caela habang naka-confine sa ospital at ginagamot sa kanyang dengue.
“God is good!! Time to go home!!! Salamat po Doc Delfin at sa mga nurse. Ingat po tayo mga kabsat. Goodbye dengue!!!” ani Marc.
Bumuhos naman ang mensahe mula sa mga IG followers ng celebrity couple para kay Caela at halos lahat ay nagsabing ipagdarasal nila ang tuluyang paggaling ng bagets.
Isa na nga riyan ang volleyball star na si Alyssa Valdez na tinamaan at nakipaglaban din sa dengue kamakailan.
Bukod kay Caela, may isa pang anak sina Danica at Marc, ang 14-year-old na si Jean Michael. Nito lamang nagdaang June, ibinandera ng mag-asawa na magkakaroon na sila ng ikatlong baby.
https://bandera.inquirer.net/303307/danica-sotto-tinamaan-ng-covid-19-pagkatapos-magpa-booster-shot-2-anak-nahawa-rin
https://bandera.inquirer.net/316296/marc-ibinandera-ang-muling-pagbubuntis-ni-danica-happy-fathers-day-to-me-thank-you-lord-for-another-blessing
https://bandera.inquirer.net/292878/danica-marc-ibinandera-ang-sikreto-sa-14-years-na-pagsasama-bilang-mag-asawa-bawal-magbanta
https://bandera.inquirer.net/322487/danica-pingris-may-update-sa-pagbubuntis-im-really-feeling-every-symptom