‘Natatawa ako sa sarili ko kasi kapag may nagre-Regine nako-confuse na ‘ko!’ – Songbird

Regine Velasquez at Precious Paula Nicole

PAK na pak ang pagrampa ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez bilang guest judge sa “rusical” challenge ng1 “Drag Race Philippines” season 1.

Feeling namin, hindi makukumpleto ang nasabing programa kung hindi aapir si Regine dahil nga kilala naman ng lahat ang singer-actress at TV host na isang solid supporter na LGBTQIA+ community.

Bukod pa rito, talagang iniidolo at itinuturing nang isang tunay na gay icon ng mga Pinoy ang misis ni Ogie Alcasid.

Sa fourth episode nga ng “Drag Race Philippines”, hosted by Paolo Ballesteros, sumabak ang siyam na drag queens sa pagi-impersonate sa mga OPM divas with matching lip sync ng kanilang iconic hits.

Ang ginaya ni Xilhouete ay si Pilita Corales; si Jaya naman si Brigiding; Minty Fresh as Moira dela Torre; Precious Paula Nicole as Regine Velasquez; Marina Summers bilang Sarah Geronimo; Turing as Sharon Cuneta; Lady Morgana as Lea Salonga; Viñas Deluxe as Zsa Zsa Padilla; and Eva Le Queen as Jolina Magdangal.

Super impressed naman si Regine sa performance ni Precious Paula Nicole na siyang nagwagi sa nasabing challenge. Pinuri rin ng mga judge sina Marina Summers, Xilhouete, at Viñas Deluxe.


“Alam mo ‘yung natatawa ako sa sarili ko kasi ‘pag may nagre-Regine nako-confuse na ako kasi alam mo ‘yung parang nasa peripheral vision mo ‘yung mukha mo,” chika ng Songbird.

Aniya pa, “I love the Regine, all the nuances, again the lip sync is perfect. Ikaw talaga si Regine hindi mo na pinansin na nandito pala ako. I love it!”

Reaksyon naman ni Precious Paula Nicole, “Ate, sobrang pasasalamat ko po sa inyo talaga kasi hindi niyo pinagdadamot sa amin ‘yung mga songs ninyo. I’m really, really thankful po from the bottom of my precious heart.

“I love you so much and maraming-maraming salamat sa tulong. Hindi niyo po alam gaano niyo kami napapasaya lahat,” aniya pa.

After ng nasabing challenge, natanggal si Turing sa show pero napakapositibo pa rin ng pagtanggap niya sa kanyang pagkatalo.

“Mga bading. SALAMAT ah. Wag po kayong mag-alala, Tuloy lang ang Byahe. Bumaba lang ako sa Jeep ng DragRace pero Tuloy pa rin tayo sa Paglalakbay.

“Mahal ko kayo. My heart and soul is full of love. Please stop with the hate ah? ayaw ni Mama Leni nyan. O sya! BOOM TURING!” sabi ni Turing sa kanyang tweet.

Napapanood and “Drag Race Philippines” tuwing Wednesday sa Wow Presents Plus, Discovery Plus, at HBO Go.

#MABU-HEYYY: Paolo Ballesteros napiling host ng ‘Drag Race PH, mga beki nagpiyesta

Ice Seguerra sa lahat ng Drag Race PH contestants: Jusko! Feeling ko, anak ko kayong lahat!

Regine inireklamo ang socmed accounts na nakapangalan kay Nate: Sorry, I’m just trying to protect my son

Nadine tuloy ang concert para sa mga Golden Gays, drag queens: You are loved and valued!

Read more...