KAHIT alam niyang mawawalan siya ng posisyon sa kanilang family business at hindi na makakakuha ng suporta sa pamilya, itinuloy pa rin niya ang pakikipagrelasyon sa isang Filipina.
Isang Chinese ang Kapuso actor pero Pinoy na Pinoy daw ang kanyang puso kaya naman naging matinding challenge para sa kanya ang pagpili noon ng girlfriend.
Alam naman ng lahat ang tungkol sa kultura ng mga Chinese pagdating sa pag-aasawa – hangga’t maaari ay kapwa-Chinese rin ang kanilang pakakasalan.
Pero para kay Richard, kailangang sundin niya ang laman ng kanyang puso kaya talagang ipinaglaban niya sa kanyang ama ang kagustuhang mag-asawa ng Filipina.
Ipinanganak daw siya sa Cebu at mas kinikilala ang sarili bilang isang Pinoy kaya naman Pinay daw talaga ang gusto niyang mapangasawa.
“I never really identified myself as Chinese. I grew up as a Filipino with Chinese blood,” ang simulang pagbabahagi ng aktor sa panayam ng “Surprise Guest with Pia Arcangel.”
“Siguro ganu’n talaga tayo ‘no? If you’re Chinese you look for someone who’s not, and yet ‘yung iba naman Filipino. You look for someone who’s a foreigner. My taste in ladies, usually hindi Chinese,” aniya pa.
Inalala ng aktor ang pagkakataon na nagkaroon siya ng dyowang Chinese pero hindi rin boto ang kanyang tatay sa babae.
“Ayaw din ng dad ko, because sabi niya ‘She’s too short for you.’ Mapili talaga,” natatawang chika ni Richard.
“When I was in college I had a medyo matagal na girlfriend, pero because of that, parang pinaghiwalay rin kami,” kuwento pa niya.
At nang maka-graduate na nga siya sa kolehiyo at magkaroon ng magandang trabaho, sinabi niya sa sarili na siya na ang magdedesisyon kung sino ang nais niyang maging karelasyon.
“Sabi ko, ‘Kaya ko na ‘to.’ “So nu’ng I found my wife now, when I met her, ayun naipaglaban ko na ito, kasi ito talaga ang ano ko e, ‘yung gusto ko eh,” aniya na ang tinutukoy ay ang misis niyang si Melody.
At dito nga nabanggit ni Richard na bibida muli sa Kapuso drama series na “Abot-Kamay Na Pangarap”, may kapalit ang pagpapakasal niya kay Melody. Tinanggal daw siya sa negosyo ng pamilya at hindi na rin nakakakuha ng suporta sa mga ito.
“Kahit na may mga nirereto siya (tatay) sa akin, I said I can’t, you know I can’t compromise and just do what you want because I will be living with her for the rest of my life.
“So pinaglaban ko na rin talaga, even though at the expense of not being in the family business or wala na ‘yung support or whatever. So ayun matigas na talaga ang ulo natin,” sabi pa niya.
At kung tinabla siya ng pamilya, tanggap na tanggap naman siya ng nanay ni Melody, “Thankfully hindi. Because when I met my wife’s mother, she was very nice to me. In fact, botong-boto siya sa akin.”
https://bandera.inquirer.net/282097/richard-yap-isa-sa-mga-unang-celeb-na-nagka-covid-sobrang-hirap-theres-nothing-i-could-do-but-pray
https://bandera.inquirer.net/303704/vice-inalok-na-tumakbo-sa-eleksyon-2022-naloka-ako-ipapahamak-ko-ang-pilipinas
https://bandera.inquirer.net/296630/richard-yap-umalma-sa-paglantad-ng-nagpakilalang-anak-i-have-never-seen-him-met-him-talk-to-him-ever-since
https://bandera.inquirer.net/290672/liza-nagsalita-ukol-sa-kumakalat-na-fake-news-sa-kanyang-business-may-payo-sa-kapwa-business-owners