FEELING ng isang 21-anyos na dalaga isang demonyo na at hindi lang basta mga ligaw na kaluluwa at masasamang ispiritu ang nanggugulo sa buhay niya ngayon.
Takot na takot si Catherine Vitug sa mga ginagawa umano sa kanya ng mga nilalang na hindi niya nakikita pero ramdam na ramdam daw niya ang presensiya ng mga ito.
Bata pa lang daw si Catherine ay bukas na bukas na ang kanyang third eye. Nakakakita umano siya ng mg kaluluwang ligaw at hindi matahimik.
Pero ang ikinabahala niya ngayon, pati raw ang mga rosaryo na ginagamit niyang pamproteksiyon sa kanyang buhay ay pinipigtas umano ng mga kakaibang nilalang
Sa panayam ng “Dapat Alam Mo!” (hosted by Kim Atienza, Patricia Tumulak at Emil Sumangil) sa dalagang may third eye, nagpapakita at nagpaparamdam pa raw ang mga ito sa kanyang panaginip, at nagpapahiwatig ng kamatayan.
“Noong 40 days ng tita ko, seven years old po ako no’n. Nagpakita po siya sa akin pagkabukas ko ng pinto ng banyo. Nakita ko ‘yung matanda na naka-white po siya. ‘Yun ang una kong panaginip,” pagbabahagi ni Catherine.
Aniya pa, “Natutulog po ako then parang humiwalay ‘yung kaluluwa ko sa katawan ko. Then ‘yung second po, nakapaligid po ‘yung mga namatay naming kamag-anak or friends.”
At kapag daw nangyayari ito, agad siyang magdarasal nang taimtim hawak ang rosaryo. Naniniwala raw siya na poproteksyunan siya nito sa anumang masamang mangyayari.
Pero habang tumatagal daw, sinisira na ng mga hindi niya nakikitang elemento ang kanyang mga rosaryo, kabilang na nga rito ang nanggaling pa sa Vatican.
“‘Yung rosary po, kapag sinusuot ko comfortable naman po ako. Pero simula po noong mga napuputol na sila, kapag matutulog po ako nananaginip ako na binabangungot palagi.
“Feeling ko po baka hindi na po ordinaryong multo, baka devil na po ‘yun,” pahayag ng dalaga.
Personal na binisita ng paranormal researcher na si Ed Caluag si Catherine at ikinuwento nga rito ng dalaga na madalas napuputol ang kanyang mga rosaryo habang nasa loob siya banyo.
Pinasok ni Ed Caluag ang banyo nina Catherine at sinipat din ang itsura at aura ng dalaga, “May basag o merong butas. Kasi kapag ganiyan, may mga makakapasok, may makakalapit sa iyo.
“‘Yung rosary mo is ‘yung naging protection mo tapos kapag may lumalapit sa iyo, nagde-defense kasi,” rebelasyon ni Ed.
Aniya pa, “Si ate is open. Bukas ‘yung crown chakra niya, bukas ‘yung dito (harapan). Ibig sabihin po, any moment, any time, puwede siyang madikitan talaga.”
Dagdag pa ng paranormal researcher, may posibilidad na ang nakikitang ispiritu ni Catherine ang siyang pumuputol sa suot niyang rosaryo.
Samantala, nagpaalala naman ang spokesperson ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na
si Fr. Francis Lucas, na ang rosaryo raw ay hindi agimat o anting-anting na kapag binasbasan at dinasalan ay pwede nang gawing proteksyon laban sa anumang pwersa ng kadiliman.
https://bandera.inquirer.net/316567/totoo-nga-ang-tsismis-nakaka-tense-nakakaloka-at-ang-saya-sayang-sumali-sa-family-feud
https://bandera.inquirer.net/319482/ed-caluag-vlogger-bernie-batin-willie-ong-binigyan-ng-sariling-show-sa-bagong-digital-network-pati-mga-ofw-makikinabang
https://bandera.inquirer.net/302701/lilipad-ka-ba-pilot-socmed-influencer-na-si-mann-ed-demalata-may-10-bonggang-travel-tips
https://bandera.inquirer.net/290626/kris-bernal-wapakels-sa-bashers-my-purpose-is-way-bigger-than-anyones-opinion-of-me