Gladys Guevarra ibinandera ang bagong bahay sa US: Ang hirap, pero thank you Lord!

Gladys Guevarra at Mike Navarrete

IBINANDERA ng TV host-comedienne na si Gladys Guevarra ang bagong blessing sa kanyang buhay — yan ay ang pagkakaroon ng sariling bahay sa Amerika.

Ipinakita ng komedyana sa kanyang Instagram followers ang bonggang property na naipundar niya sa US kung saan siya naninirahan ngayon kasama ang non-showbiz husband na si Mike Navarrete.

Proud na ibinahagi ni Gladys sa kanyang IG page ang ilang litrato ng kanyang bahay sa unang araw ng pagtira niya rito.

“Day 1 . . . Finally a home I can call my own,” ang simulang pagbabahagi ng komedyana at stand-up comedienne sa caption.

Pagpapatuloy pa niya, “Ang hirap, pero thank you Lord. Sa mga tumulong sa akin, ayaw nyo pabanggit pero salamat.

“Mik, Gui Panginoon na bahala magbalik sa inyo. Salamat ng maraming marami sa tiwala. Kay General Piapie lumabo mata ko sa papers.

“Sayo din brader Min, super dooper thank you. Mark, hulog ka ng langit, lam mo yan thank you bro talaga. Unang araw today, ilang araw lang, maaayos ko na to.

“Gen, Ok na bank natin hehe! Tapos beep beep! . . . To God Be All The Glory. Day 2, let’s go!!!! . . . #keepmovingChuchay #daminagmamahal . . . Grabe kayo,” mensahe pa niya.

Ang bonggang bahay ni Gladys Guevarra sa Amerika (Photo from @igladyschuchayguevarra)

Nauna rito, ibinalita rin ni Gladys na maayos at masaya naman ang buhay niya ngayon sa Amerika kasama ang kanyang mister na si Mike.

Mahigit isang taon na silang nagsasama ngayon bilang married couple. Nagpakasal sila noong May 12, 2021, tatlong araw matapos niyang ianunsyo ang kanilang engagement.

Kung hindi kami nagkakamali, ang huling project ni Gladys sa GMA 7 ay ang primetime series na “Anak ni Waray vs. Anak ni Biday” na ipinalabas noong 2020 at 2021.

Naging host at performer din siya sa dating weekly musical variety show ng GMA 7 na “Sunday PinaSaya”.

Bago magtungo sa US, naging kontrobersyal at na-headline rin si Gladys dahil sa dati niyang karelasyon at live-in partner na nakaaway niya nang dahil sa pera.

https://bandera.inquirer.net/293169/gladys-balik-stand-up-comedy-sa-us-asawa-na-shock-grabe-iba-ka-pala-talaga-mahal

https://bandera.inquirer.net/308013/gladys-guevarra-kay-mega-malinaw-pa-sa-mineral-water-na-nakita-ng-lahat-ang-tunay-mong-ugali

https://bandera.inquirer.net/308013/gladys-guevarra-kay-mega-malinaw-pa-sa-mineral-water-na-nakita-ng-lahat-ang-tunay-mong-ugali
https://bandera.inquirer.net/312374/gladys-reyes-ibinandera-ang-pink-outfit-netizens-na-curious-kakampink-ba-siya

Read more...