Sigaw ng fans ni Joshua Garcia kay Nicki Minaj, “Teh, may pila…wala namang singitan!’

Joshua Garcia at Nicki Minaj

IBANG level na talaga ang “powers” at “karisma” ng Kapamilya actor at sikat na sikat na rin ngayon bilang TikTokerist na si Joshua Garcia!

Hindi lang ang mga Pinoy fans ang nahuhumaling sa kagwapuhan at pagiging talentado ng binata kundi maging ang mga foreigners at ilang international celebrities.

Hanggang ngayon ay mainit pa ring pinag-uusapan sa social media ang pagla-like at pagko-comment ng Trinidadian-born rapper at singer-songwriter na si Nicki Minaj sa isang TikTok video ni Joshua.

Mapapanood ang aktor sa nasabing video na kumasa sa dance challenge gamit ang hit na hit ngayong “Super Freaky Girl” ni Nicki Minaj.

Ang maikling caption ng itinanghal na TikTok Celebrity of the Year sa kanyang video ay, “Ito na, pauwi na.”


In fairness, talagang na-headline pa sa mga entertainment sites noong unang araw ng September ang pagpansin ni Nicki sa viral video ng Kapamilya star na may mahigit 18 million views na ngayon.

Libu-libong reaksyon din ang nakuha ng TikTok dance video ng “Darna” actor sa heart-eyed emoji comment ng global superstar na si Nicki Minaj.

May ilan pa ngang nagsabi sa international recording artist na wag siyang sumingit sa “pila” ng mga taong nahuhumaling kay Joshua.

“Nicki there’s a line, walang singitan. Hindi porke sikat ka, pwede ka ng mauna kay Joshua!”

“Mareng Nicki, pumila ka!”

“Teh, please, fall in line nemen. Walang gamitan ng status in life! Keri?”

“Umabot na kay mareng Nicki kagwapuhan mo Joshua.”

“Naligo lang ako nag tiktok ka na!?”

“Ingat! iniwan ko yung susi ng bahay natin sa ilalim ng paso ha.”

“O ayan mga kababayan may bagong story na ulit ang ating mga kaibigan.”

Kung matatandaan, inamin din ng Filipino-American singer na si Bella Poarch na super crush niya ang leading man ni Jane de Leon sa “Darna”.

Wala pang reaksyon si Joshua sa pagkokomento ni Nicki Minaj sa kanyang viral video.

https://bandera.inquirer.net/322952/joshua-garcia-pang-international-ang-dating-nicki-minaj-napa-comment-sa-kanyang-tiktok-video
https://bandera.inquirer.net/295353/ivana-aminadong-nakakausap-si-joshua-alam-ko-nasa-taping-siya
https://bandera.inquirer.net/294172/male-star-pinrotektahan-pa-rin-ang-ex-gf-na-aktres-kahit-nakipagchurvahan-sa-isang-aktor
https://bandera.inquirer.net/309537/may-bago-na-bang-nagpapatibok-ng-puso-ni-joshua-garcia

Read more...