TULUYAN nang sinampahan ng kasong rape ang Kapamilya TV host at komedyanteng si Vhong Navarro kaugnay sa diumano’y panghahalay nito kay Deniece Cornejo noong 2014.
Ang kaso ay iniharap ng Taguig Prosecutor’s Office sa Taguig City Regional Trial Court nitong Miyerkules, Agosto 31.
Ang naturang paghahain ng kaso ay naganap matapos aprubahan ng Court of Appeals ang petition ni Deniece na kumukwestyon sa naging desisyon ng Department of Justice (DOJ) sa nauna nitong isinampang kaso laban kay Vhong.
Base sa charge sheet, nakalagay na nilasing at ginahasa ng “It’s Showtime” host si Deniece sa condo unit nito sa Taguig noong Enero 17, 2014.
Matatandaang noong ay ibinasura ng DOJ ang kaso ni Deniece laban kay Vhong dahil sa inconsistency ng mga salaysay nito sa nangyari.
Ngunit pagkontra ng Court of Appeals at sinabing mas makabubuti para sa actor-comedian kung sa mismong korte na lamang niya ipagtanggol ang kanyang sarili.
Isa sa mga kontrobersyal na nangyari sa mundo ng showbiz ang balitang ito patungkol kay Vhong na nauwi pa nga sa malalang pambubugbog ng grupo nina Deniece kasama si Cedric Lee.
Noong July 2018 nahatulan ng pagkakakulong hanggang tatlong taon sina Deniece, Cedric, at Jed Fernandez dahil sa kasong grave coercion kaugnay sa pambubugbog nila sa Kapamilya host.
Nagsalita naman si Vhong patungkol sa muling pagkabuhay ng isyung ito makalipas ang walong taon.
“Ang pagkakasala ko, ang kasalanan ko dito ay noong niloko ko ang girlfriend ko at ito na ‘yung wife ko ngayon,” saad ni Vhong sa panayam niya sa ANC.
Dagdag pa niya, “Nilahad ko ang istorya ko at yun lahat ang katotohanan. So lahat ng ibinibintang nila sa akin ay hindi totoo yun. Ako ay nagsasabi ng totoo, alam ng Panginoon na nagsasabi ako ng totoo.”
Related Chika:
Vhong Navarro pinakakasuhan ng rape, acts of lasciviousness ng Court of Appeals base sa reklamo ni Deniece Cornejo
DOJ pinabulaanang nawawala ang rape case folder ni Vhong Navarro: Records are still intact