HINDI napigilan ng Unkabogable Star na si Vice Ganda na magbigay appreciation sa kanyang kabiyak na si Ion Perez.
Napag-usapan kasi kahapon, Agosto 29, kung sino-sino ang mga kanilang mga itinuturing na hero bilang pakikiisa sa National Heroes’ Day celebration.
Ani Vice, marami daw siyang itinuturing na hero sa araw-araw gaya ng kanyang mga staff na sina Bern, Jackie, at John pero ang pinakaitinuturing niyang superhero ay ang asawa.
Ibinahagi ng Unkabogable Star na may nabasa siya somewhere kung saan naka-relate siya nang bongga.
“Yung mga tao sa labas ng bahay n’yo, hindi nila maiintindihan kung anong nangyayari sa pamilya mo dahil hindi naman nila alam… at yung mga nasa pamilya mo naman, kadalasan hindi nila naiintindihan kung anong nangyayari sa ‘yo sa trabaho kasi wala rin sila doon,” panimula ni Vice.
Pagpapatuloy niya, “Kaya at the end of the day, ang talagang makakaintindi sa ‘yo ay sarili mo lang dahil sarili mo lang ang nakakaalam kung ano ba ang nangyayari sa akin sa bahay at sa labas ng bahay.”
Pero sobra sobra daw na pagpapala ng Diyos kay Vice dahil mayroon siyang Ion.
“I am very very blessed because I have someone like Ion who knows kung anong nangyayari sa akin sa loob ng bahay pati sa trabaho,” saad ng komedyante.
Hirit pa ni Vice, “Mayroong nakakaunawa sa akin di ba? Ang hirap kaya nang walang nakakaintindi sa ‘yo. Kahit kayo rito kasama ko kayo araw-araw, kala n’yo playtime.
“Ang harot harot ko, ang ingay ingay ko pero hindi n’yo alam kung anong nangyayari sa akin sa bahay, sa pamilya ko, sa kwarto bago ako matulog,” aniya pa.
Giit niya, si Ion lamang ang kaisa-isang tao na nakakaalam kung ano ba ang kaniyang mga pinagdaraanan mapa-trabaho man o mapa-personal na buhay.
“He fully understands me that’s why he’s my hero. I need a hero to understand,” pahabol pa ni Vice Ganda.
Sa kabila naman nito, ang mga magulang naman ni Ion ang kanyang itinuturing na mga bayani ng kanilang buhay dahil ito ang nag-alaga sa kanilang magkakapatid.
Related Chika:
Coleen itinuturing na blessing at ‘hero’ si Billy: Thank you for being you!
‘Dasal’ hugot ni Vice Ganda, para nga ba kay Bayani Agbayani?
Vice Ganda binawasan ang talent fee sa ‘It’s Showtime’: Yun ang pinakamalaking sakripisyo niya!