Sa kanyang Instagram stories ay uploaded ang isang screenshot ng mensahe mula sa isang unknown number.
“Hi ANGELICA P., No fee, No ID, No problem. Join and get 60p now!” saad sa text message na natanggap ng aktres kalakip ang isang link.
Mukhang nabahala na rin ang actress-vlogger sa spam message na natanggap lalo na’t alam nito ang kanyang pangalan.
“First name basis na ‘yung scammer,” saad ni Angelica.
Samantala, hindi naman ito ang unang beses na nakatanggap ng spam messages ang aktres.
Matatandaang noong nakaraang buwan, Hulyo 13, ibinahagi ni Angelica ang screen record ng mga na-block niyang mga mobile numbers na nagpapadala ng spam messages sa kanya.
“What are the chances na kapag bago na ang phone number mo, hindi ka na matetext ng mga nagsasabing ‘beshie its your lucky day’ or ‘you are now hired’ or ‘we are hiring’ napakadami ko nang na block,” sey ni Angge.
What are the chances na kapag bago na ang phone number mo, hindi ka na matetext ng mga nagsasabing “beshie its your lucky day” or “you are now hired” or “we are hiring” napakadami ko nang na block pic.twitter.com/IW5gnqFD34
— Angelica Panganiban (@angelica_114) July 13, 2022
Marami sa mga netizens ang talagang naka-relate kay Angelica dahil naging laganap talaga ang pagkakaroon ng spam message lalo na noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
“Here is not a single day that I did not receive offers from unknown numbers. This never happened before pandemic. Is it with contract tracing forms, or online shopping platforms,” saad ng isang netizen.
Comment pa ng isa, “Whenever i got a text message from unknown numbers, blocked agad! Nakakasawa lang din kc almost everyday may dumarating na iba ibang number pero iisa message.”
“Wala. Scammers use a program and sends it to a ‘range’ of numbers, so it no longer matters whether your number is new or recycled. I have another number that nobody knows about but I get the same messages from what I get on my main line,” chika naman ng isa.
Isang netizen naman ang nagpayo ng maaaring gawin sa mga spam messages.
“For now, the only thing we can do is report the numbers to Globe or NTC. The real solution is #SimCardRegistrationACT. Hopefully, it becomes a law soon,” sey nito.
Related Chika:
Angelica naimbyerna sa natatanggap na spam message araw-araw: Napakarami ko nang na-block
Andrea Brillantes umabot sa halos P1-M ang natanggap na b-day gift