Willie iniregalo sa mga taga-Coron ang talent fee para sa live show ng ‘Wowowin’; Herlene first time makasakay ng helicopter

Willie Revillame at Herlene Budol magkasamang nag-heliicopter patungong Palawan

Willie Revillame at Herlene Budol

WALANG bayad at buong-pusong nagtanghal si Willie Revillame para sa live show ng “Wowowin” sa Coron, Palawan nitong nagdaang Linggo, August 28.

Ayon sa TV host, mismong si Coron Mayor Marjo Reyes ang nag-invite sa kanya para maging bahagi sa selebrasyon ng kanilang Kasadyaan Festival.

Ginanap ang “Wowowin” sa municipal hall ng Coron na talaga namang sinugod at dinumog ng mga tagaroon sa kagustuhang makita nang personal si Willie.

Nakasama ng TV host at komedyante sa nasabing event ang mga dati niyang co-hosts na sina Herlene Budol, Boobsie Wonderland at Donita Nose.

Nag-perform din sa live show ng “Wowowin” sa Coron sina Katrina Velarde at Janine Teñoso.


Tulad ng inaasahan, tuwang-tuwa at umuwing maligaya ang mga residente roon pagkatapos ng programa lalo na ang mga nakatanggap ng jacket at cash prize mula kay Willie.

Sa isang bahagi ng show, sinabi ng TV host na libre ang pagtatanghal nila sa Kasadyaan Festival, “Kaya kami nandito, para yung dalawang taon na pinagdaanan nating pandemya, ngiti at saya sa puso ninyo ang makikita.

“Nu’ng kinausap ako ni Mayor, sabi niya, ‘Puwede bang pasayahin mo ang aking mga kababayan sa Coron?’

“Ang sabi ko sa inyong mahal na mayor, magpapasaya ako pero magreregalo tayo sa bawat taga-Coron. Magpapasaya tayo, huwag mo akong babayaran, Mayor.

“Lahat ng ibibigay mo sa akin, ireregalo natin sa mga taga-Coron!” aniya pa na sinundan ng malakas na hiyawan at palakpakan.

Samantala, base sa Instagram post ni Herlene, ang pag-aaring helicopter ni Willie ang ginamit ng Team Wowowin sa pagpunta nila sa Coron. Makikitang magkatabi ang TV host at ang beauty queen sa nasabing helicopter.

Kuwento ng dalaga, nahilo lang daw siya ng slight sa unang pagsakay niya sa helicopter pero pagdating niya sa venue ng show ay okay na okay na uli ang pakiramdam niya.

https://bandera.inquirer.net/279771/willie-niregaluhan-ng-bagong-helicopter-ang-sarili-pero-para-rin-yan-sa-pagtulong-natin

https://bandera.inquirer.net/310350/vice-ganda-sumakay-sa-helicopter-para-di-ma-late-sa-trabaho
https://bandera.inquirer.net/302146/ogie-diaz-wa-pakels-sa-mga-bashers-walang-bayad-sa-pagsuporta-kay-vp-leni
https://bandera.inquirer.net/308968/hirit-ni-toni-sa-mga-tagasuporta-nina-bbm-at-sara-sabi-nila-bayad-daw-po-ako-bayad-po-ba-kayo

Read more...