Sunshine Cruz ibinandera ang pagkikita nina Cesar Montano at Macky Mathay sa debut ng anak: ‘In God’s perfect time always…’

Macky Mathay, Sunshine Cruz at Cesar Montano

SIGURADONG abot-langit ang kaligayahang nararamdaman ngayon ng mga anak nina Sunshine Cruz at Cesar Montano.

Makalipas kasi ang mahabang panahon, muli ngang nagkasama ang dating mag-asawa sa naganap na 18th birthday celebration ng kanilang anak na si Samantha last August 28.

At bukod nga sa tatlo nilang mga anak na sina Samantha, Angelina at Chesca, tuwang-tuwa rin sa naganap na “reunion” ang isa pang ex-partner ni Cesar na si Teresa Loyzaga at ang boyfriend ngayon ni Sunshine na si Macky Mathay.

Mismong si Sunshine ang nagbahagi sa Instagram ng mga litrato na kuha sa mga eksenang nangyari sa debut ng anak, kabilang na nga riyan ang mga kuha nila ni Cesar kasama ang tatlo nilang dalagang anak.


Bukod dito, ipinost din niya ang pagse-shake hands nina Cesar at Macky sa party ni Samantha na talagang umani ng sandamakmak na likes, heart emojis at magagandang komento mula sa netizens.

“In God’s perfect time always,” ang maikli nguit punumpuno ng pusong caption ni Sunshine.

“It was a fun filled and memorable night for the family. Hope you enjoyed your celebration anak as much as we did. We love you very much. Happy 18th to our princess @samcruzm!” ang pagbati naman ng aktres sa anak.

Sa isang panayam, nabanggit ni Sam na super memorable ang kanyang 18th birthday dahil ito ang naging daan para muling magkita ang kanyang parents makaraan ang ilang taon.

Ngayong taon din daw nagsimulang maging maayos ang relasyon nilang magkakapatid sa kanilang tatay kaya naman wala na raw siyang mahihiling pa para sa kanyang kaarawan.

Sabi pa naman ni Sunshine, nakaka-bonding na rin nila ng kanyang “Tres Marias” ang mga kapatid nila kay Cesar at maging sa partner ng aktor na si Kath Angeles.

Sa IG post ni Sunshine, nagkomento nga ang dating dyowa ni Cesar na si Teresa Loyzaga (anak nila si Diego Loyzaga). Aniya, “No words can explain. Nothing is impossible. Prayers are heard so never cease!

“Happiness to all and more Blessings to come! Im so proud of you!” dagdag pa niyang message kay Sunshine.

Nagbigay din ng birthday message ang boyfriend ni Sunshine na si Macky Mathay kay Sam, “What happens in life is usually what’s meant to be. His plans.

“Everything happens for a reason and last night’s reason was you @samcruz. You know that I love you already as if you were my own daughter!” aniya pa.

Sa iba pang post ni Macky sa social media makikita ang mga video na kuha mula sa debut ni Sam kabilang na ang pagdu-duet ng debutante kasama ang tatay niyang si Cesar.

https://bandera.inquirer.net/322495/sunshine-cruz-rumesbak-sa-netizen-na-nagsabing-siya-ang-rason-sa-paghihiwalay-nila-ni-cesar-you-know-nothing

https://bandera.inquirer.net/283535/mga-anak-ni-sunshine-nagmana-kay-cesar-napakahusay-din-naman-kasing-artista-ng-ama-nila
https://bandera.inquirer.net/320557/cesar-montano-senior-citizen-na-super-happy-nang-makumpleto-ang-anak-sa-60th-birthday-party

https://bandera.inquirer.net/289917/b-day-hugot-ni-ruffa-para-kay-lorin-wag-munang-mag-boyfriend-gosh-i-sound-like-my-mom

Read more...