Neri pinagpaliwanag si Chito kung bakit natanggal sa ‘Idol Philippines’ si Nisha Bedana

Nisha Bedana, Chito Miranda at Neri Miranda

APEKTADO si “Idol Philippines” season 2 judge Chito Miranda sa pagkakatsugi kina Nisha Bedana at Misha de Leon sa Top 8 finalists na inanunsyo ni Robi Domingo kagabi.

Hindi kasi nagtugma ang scores na ibinigay ng mga judge sa nakuhang text votes mula sa publiko para sa dalawang nabanggit na contestants.

Inamin ni Chito sa programa na “devastated” silang mga hurado kasama sina Regine Velasquez, Moira dela Torre at Gary Valenciano sa pagkakatanggal kina Nisha at Misha sa kumpetisyon.

Aniya, “I don’t know kung puwede kong sabihin ‘to pero we are devastated.

“We are devastated pero we can only do so much as judges pero iba pa rin talaga ‘yung voting. Wala akong masabi. Sana na lang baunin niyo lahat ng natutunan niyo rito mas lalo na ‘yung friendship, priceless ‘yan,” pahayag ng bokalista ng Parokya ni Edgar.

Samantala, hindi rin matanggap ng asawa ni Chito na si Neri Naig kung bakit nalaglag si Nisha sa Top 8 kaya pabiro niyang hiningan ng explanation ang singer pagdating sa ng bahay nila.


Post ni Neri, “Bakit natanggal si Nishaaaaaa???!! Mag-explain ka pag-uwi mo Chito Miranda (angry faces emoji).”

Pero may payo si Mrs. Miranda kay Nisha, “Mababa ka man sa voting pero tatandaan mo magaling ka. Hindi ka man nanalo ngayon pero ipagpatuloy mo lang na i-improve ang talento at sarili mo sa future, magwawagi ka. Basta maging mabait palagi, hindi ka pababayaan ni Lord (heart emoji).”

Kabilang si Neri sa “Star Circle” batch 1, 2004 kung saan nanalo si Hero Angeles at runner-up naman sina Sandara Park, Roxanne Guinoo at Joross Gamboa.

Mukhang hindi pa panahon ni Nisha na maiuwi ang titulo tulad ng pagsali niya noon sa “The Voice Teens” Season 1 (2017) at aa “Tawag ng Tanghalan” (2019).

Samantalang si Misha naman ay nakasali na sa “The Voice Kids” noong 2016 at ang latest nga ay itong sa “Idol Philippines” season 2 ng ABS-CBN.

Anyway, ang mga pinalad na mapasama sa Top 8 ay sina Ryssi Avila, Bryan Chong, Khimo Gumatay, Delly Cuales, Trisha Gomez, Ann Raniel, PJ Favia at Kice.

https://bandera.inquirer.net/317131/chito-sa-solid-na-samahan-ng-parokya-ni-edgar-sa-amin-music-is-secondary-barkada-lang-muna-kaming-lahat

https://bandera.inquirer.net/290192/chito-muling-pinuri-ang-asawa-napakaganda-ni-neri-medyo-weird-pero-sobrang-bait
https://bandera.inquirer.net/313875/idol-philippines-muling-magbabalik-gary-valenciano-chito-miranda-bagong-judges-na-makakasama-nina-moira-at-regine

Read more...