Aiko nakiusap na pagbigyan siyang magbalik-teleserye: Yung kikitain ko po idadagdag ko rin sa ipangtutulong ko

Aiko nakiusap sa FB followers na payagan siyang mag-teleserye uli

Aiko Melendez, Beauty Gonzalez, Thea Tolentino at Angel Guardian

KASADO na ang pagsisimula ng pangatlong installment ng “Mano Po Legacy” na “The Flower Sisters.”

Tampok bilang “The Flower Sisters” sina Aiko Melendez, Beauty Gonzalez, Thea Tolentino, at Angel Guardian.

Pasok din sa cast sina Isabel Rivas, Paul Salas, Sue Prado, Mikee Quintos, Tony Revilla, Marcus Madrigal, Tanya Garcia, Sophia Senoron, Reins Mika, at Kimson Tan.

Balik sa pag-arte ngayon si Aiko matapos siyang mapanood sa Afternoon Prime series na “Prima Donnas.”

Hindi naman nauubusan ng projects si Beauty na kasalukuyang napapanood sa panghapong serye na “The Fake Life.”


Si Thea naman ay kasalukuyang napapanood sa top-rating primetime series na “Lolong” habang biggest TV break naman kung maituturing ni Angel na mapabilang sa cast members ng Pinoy version ng “Running Man PH.”

Abangan ang iba pang detalye tungkol sa “Mano Po Legacy: The Flower Sisters” sa GMA.

Samantala, sa Facebook page ni Aiko, nabasa namin ang pakiusap niya sa kanyang mga fans and supporters sa gagawin niyang pagbabalik-teleserye.

Pahayag ng award-winning actress, “Pagbigyan nyo na po ako kung ako po ay babalik sa paggawa ng Soap opera po.

“Ung kikitain ko po dun idagdag ko sa ipangtutulong ko din naman. Diba mader Ogie Diaz I will make sure di ako magpapabaya sa aking trabaho naman.

“Ang tawag dyan ay time management. Kapag gugustuhin gagawan ng paraan ang lahat. Kaya sa mga tagahanga ko po eto na nga malapit na ako magbalik. Gugulatin ko nalang kayo! Sino ang excited?” ang nakasaad pa sa FB status ng aktres.

“Go go go, Madam Konsi Aiko, GOD bless.”

“I’ve always been your fan. God bless you on all your endeavors.”

“Ako! Super excited! Iba rin naman kasi ang angas ng serye kapag may Aiko Melendez noh! Kabahan na kayo sa pagbabalik. Simulan nang humarap sa salaming yung mga so-so lang dyan at magbasa ng script. Nakakahiya kay Aiko noh! Lablab Marsie.”

“Some people may not understand, but I believe that you can keep many balls in the air at once. Enjoy Konsehala my friend.”

“Wow nakakaexcite naman po, sabi naman po namin diba kung saan ka susuportahan ka namin… and we’re also happy na nagagawa mo po ung nagpapasaya sayo while working, nakakatulong pa at napapasaya mo pa po mga fans mo excited na kami sa iyong pagbabalik we love you.”

Yan ang ilan sa mga nabasa naming comments ng mga netizen sa pahayag ni Aiko.

https://bandera.inquirer.net/308153/ken-chan-tinulungan-ni-bianca-umali-para-maka-move-on-kay-rita-daniela
https://bandera.inquirer.net/293691/thea-may-payo-sa-mga-middle-child-na-kinikimkim-ang-sama-ng-loob-sa-pamilya
https://bandera.inquirer.net/300744/barbie-forteza-patutunayan-ang-pagiging-primetime-princess-sa-mano-po-legacy

Read more...