TODO pasalamat ang Kapuso comedienne na si Pokwang sa lahat ng mga nakaalala at bumati sa kanyang 52nd birthday kahapon, August 27.
Pero bago nga ang eksaktong kaarawan niya, nagkaroon muna siya ng bonggang selebrasyon sa programa niya sa GMA 7 na “TiktoClock”.
Hinding-hindi raw ito makakalimutan ng komedyana habang siya’y nabubuhay dahil sa unang pagkakataon ay na-experience niya ang magkaroon ng debut with matching 18 roses.
Yes, isang pa-surprise na debut party nga ang ibinigay ng mga co-host niya sa “TiktoClock” na sina Kim Atienza at Rabiya Mateo pati na ng buong production sa episode nila last Friday, August 26.
Isinayaw si Pokwang sa 18 roses ng Kapuso hunks na sina Rob Gomez, Prince Carlos, Prince Clemente at Carlo San Juan.
Sa Instagram, ibinahagi ng Kapuso actress-TV host ang mensahe niya para sa lahat ng um-attend sa kanyang “debut” na talagang naging espesyal na bahagi ng selebrasyon niya this year.
“Dahil sa hirap ng buhay namin noon di ako nakaranas ng once in a lifetime na 18 roses chu chu hahahahaha!” sabi ni Pokwang.
Aniya pa, “Kaya nagpapasalamat ako sa aking @tiktoclockgma family dream come true nga talaga itong birthday prod ko na ito.
“Thank you sa mga mahuhusay naming dancers, Clock mates dancers, speed girls and mad phildancers headed by Chris Espeleta.
“Thank you po sa lahat ng pagbati at effort mga mahal ko. Wish ko para sa lahat ay magandang kalusugan at mapayapang pamumuhay araw-araw,” pahayag pa ni Pokey.
* * *
Nagsimula na nga ang dambuhalang digmaan sa “Lolong” sa pagitan ng mga Atubaw at ng mga Banson.
Matitindi ang fight scenes na tampok sa “Battle of Tinago” kung saan makikita ang paghaharap sa pagitan ng mga natitirang lahi ni Lolong (Ruru Madrid) at ng mag-amang sina Armando (Christopher de Leon) at Martin (Paul Salas).
Matapos malaman na may mga natitirang Atubaw na nagtatago sa isang kuta sa kabundukan, nagplano ang mga Banson na sugurin ang mga ito. Kaya naman si Lolong, muling pumunta sa Tinago upang balaan ang kanyang mga kalahi.
Umani naman ng papuri sa mga netizen ang fight scenes nina Ruru at ng mga kasama sa serye. Very realistic daw ang mga ito.
Magaling din ang ipinamalas na action stunts ni Ruru. Kaya naman hindi na nakapagtataka na kahit may bagong kalaban, mas marami pa ring nakatutok sa “Lolong.”
At habang palalim na nang palalim ang kuwento, asahan pang mas kakagatin ito ng masa.
https://bandera.inquirer.net/310339/pokwang-nawindang-sa-mga-madaling-makalimot-bilib-sa-mga-taong-pinapahalagahan-ang-boto
https://bandera.inquirer.net/291472/pokwang-tinulungan-ni-kris-noong-mawalan-ng-trabaho-sa-abs-cbn
https://bandera.inquirer.net/317571/alexa-ilacad-super-excited-nang-mag-show-sa-us-actually-nakaempake-na-ako-promise-im-not-kidding
https://bandera.inquirer.net/317503/donny-belle-may-bonggang-project-sana-abroad-pero-naudlot-magkasamang-lilipad-patungong-us-para-sa-star-magic-tour