Rhen Escaño napaiyak sa presscon: Sana mabigyan ako ng chance na maipakita sa tao na may iba pa akong talent…

Rhen Escano

NAGING emosyonal ang Viva Artist Agency talent na si Rhen Escaño nang mapag-usapan ang tungkol sa estado ngayon ng kanyang showbiz career.

Sa naganap na virtual presscon ng bago niyang project sa Vivamax, ang 8-episode series na “Secrets of a Nympho”, natanong ang sexy actress kung bakit madalang na siyang bumida sa mga pelikula ng Viva Films.

Marami ang nakapansin na mas marami pang proyekto ngayon ang mga baguhang sexy star ng Vivamax kesa sa kanya.

“Pinipili ko talaga kasi ang projects na ginagawa ko. Ayoko nang umuulit, doing the same material. I want viewers to see na iba-iba ang ginagawa ko at hindi ‘yung parang nakakahon lang ako,” simulang paliwanag ni Rhen.


Kasunod nito, maluha-luhang sinabi ng dalaga na hangga’t maaari ay ayaw na muna niyang maghubad sa pelikula, “Sana mabigyan naman ako ng chance na makita ng tao na may iba akong talent na puede kong gawin.

“My career is so important for me, so I want to make sure na may positive na mangyari dito. Lahat ng networks, napagdaanan ko na. Umabot nga sa point na ayoko na. Nagiging emotional ako kapag pinanghihinaan ako ng loob kasi I really want to prove myself as an actress,” paliwanag ni Rhen.

Samantala, natanong din siya kung meron ba siyang dream roles, “Lagi kong sinasabi na gusto ko yung parang ‘Gone Girl’, very challenging ‘yung scheming character played by Rosamund Pike kasi she framed up her own husband, si Ben Affleck.

“Feel ko gawin ‘yung ganu’ng material, kaya tinanggap ko itong series na ito, ‘Secrets of a Nympho’, kasi ganitong type ang gusto kong gawin. I really want to grow as an actor,” aniya pa.

Ang “Secrets of a Nympho” ay mula sa panulat ni Philip Neri at sa direksyon ni Shugo Praico ng Rein Entertainment na siya ring nasa likod ng award-winning series n “Bagman” at ang lesbian love story na “Betcin”.

Makakasama rin sa sexy-thriller na “Secrets of a Nympho” sina Ayanna Misola, Arron Villaflor, Gold Aceron, Josef Elizalde, Jeric Raval, Andrea Garcia, Milana Ikimoto, Tiffany, Sheree at Stephanie Raz.

https://bandera.inquirer.net/293526/rhen-escano-10-taon-naghintay-bago-bumida-sa-pelikula-hindi-ako-sumuko-laban-lang
https://bandera.inquirer.net/299715/rhen-escano-posible-bang-ma-in-love-sa-lesbian-partner-niya-sa-pelikulang-lulu
https://bandera.inquirer.net/303849/marami-akong-pangit-at-maling-experience-sa-mga-lalaki

Read more...