Darryl Yap may pa-countdown na sa part 2 ng Maid In Malacañang; sino nga kaya kina Herbert at Phillip ang gaganap na Ninoy Aquino?

Darryl Yap at ang ‘imahe’ ni Ninoy Aquino: Sino ang kamukha…si Phillip Salvador o Herbert Bautista?

MAGKAKAIBA ang naging reaksyon ng mga Filipino nang ibalita na ng controversial director na si Darryl Yap ang posibleng sequel ng “Maid In Malacanang”.

Una itong ipinost ni Direk Darryl sa Facebook page ng VinCentiments kung saan makikita ang imahe ng isang lalaling nakasalamin na kahawig ng yumaong dating senador na si Ninoy Aquino.

Ang nakalagay sa caption ay, “‘Maid in Malacañang’ sequel ‘Martyr or Murderer’ in cinemas in time for Edsa anniversary next year?”
Sa isa
“Magbubukas ang Hacienda. Magiingay sa Plaza. Sa Kaliwa, Ako at Ikaw. Kilalanin ang Unang Dilaw 185 DAYS TO GO#MoM MARTYR or MURDERER FEBRUARY 2023,” ang pa-countdown pang rebelasyon ni Darryl.

Sa comments section, marami ang nakapansin na bukod kay Ninoy, kamukha rin nina Phillip Salvador at Herbert Bautista ang nasa FB post ng film company ni Darryl Yap kaya ang tanong ng netizens sino kaya kina Kuya Ipe at Bistek ang gaganap bilang Ninoy Aquino?

“He looks like Sir Philip Salvador!!!”

“Herbert Bautista?? Phillip Salvador??Herbert Salvador!!!”

“I’m excited… Direk Darryl Yap has many stories to tell. More movies please… You are strange Direk!”

“Go directly reveal all, Your art is the vehicle of hidden truth”

“Direct Darryl Yap! My dream is to work with you po! I’m also a theater artist before I came back to college.”


“I LIKE YOU DARYL YAP! Hindi pa sila naka overcome (nakalabas sa ICU ) eto na naman ang PANG-ASAR mo. Tama yon vlogg ni DOK MAYKI: 6 yrs na macoma!”

“Ang lupit mo.. Hnd pa nga naka move on sa #MIM eto na naman may countdown na ang #MoM
Durog na durog na sila.”

“Herbert or Phillip,nakuw ano reaksyon ni kris?”

Yan ang ilan sa mga komento ng mga netizens sa nasabing post ng VinCentiments.

Base naman sa isang panayam kay Darryl, iikot daw ang part 2 ng “Maid In Malacañang” sa “biggest accusation” na ibinato noon sa pamilya Marcos — na sila ang nasa likod sa asasinasyon kay Benigno “Ninoy” Aquino, Jr. noong 21 August, 1983.

“It is the biggest bintang for the Marcoses that they had then killed Senator Ninoy.

“It is one of the heaviest accusations they have ever received – that they killed Ninoy Aquino then. And I want to present why people should believe them, that it is not them.

“I want to start by asking about the film, if your father died, if your husband died, there should be a fire in you to solve it, as a good son and a good wife.

“So why is it until now that the mother or the wife is now gone, the son is also gone, justice for the father is not yet done?

“It’s one of the pillars of the second half, if we want to do it, if the actor that I want to post on Facebook will agree to be Ninoy,” ang pahayag ng direktor at kilalang supporter ng pamilya Marcos sa online interview ni Coach Jarret na naganap noong August 5.

Patuloy pang sabi ni Darryl Yap, “I want to hear Marcoses’ alibi. I just have to address that. And this is not a trial. This is not about na dinemanda sila about that. I just want to address it in my movie why it’s not them, who killed Ninoy.”

https://bandera.inquirer.net/315294/lolit-hinangaan-ang-tatag-ng-loob-ni-kris-sa-pagpapalaki-kay-josh-at-bimby

https://bandera.inquirer.net/293448/phillip-binanatan-ang-ilang-nakaupong-politiko-tinabla-na-nga-ba-ang-mga-kaibigan-sa-senado
https://bandera.inquirer.net/282165/gerald-ibinuking-ang-reaksyon-ni-julia-sa-boxer-briefs-video-perfect-10-ang-estado-ng-lovelife

Read more...