Danica Pingris may update sa pagbubuntis: I’m really feeling every symptom

Danica Pingris may update sa pagbubuntis: I'm really feeling every symptom
NAGBIGAY ng pregnancy update ang aktres at anak ni Vic Sotto na si Danica Sotto-Pingris ukol sa kanyang pagdadalangtao.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang ilang mga kaganapan at pagbabago sa kanyang katawan ngayong preggy siya.

“No more headaches and dizzy spells. Thank you Lord! I have more energy and can eat almost anything,” lahad ni Danica.

Pagkukwento niya, matagal na rin nang huli siyang magbuntis kaya naman marami siyang nararamdaman sa katawan.

“Tagal na since my last pregnancy so I’m really feeling every symptom. Mixed emotions na may kaba and excitement,” dagdag pa ni Danica.

Aniya, “Whenever I have anxious thoughts, I renew my mind because I know I’m not alone and that we have God as our guide and our source of strength.”

Nagbahagi rin si Danica ng bible verse na labis na nakatulong at nagbigay encouragement sa kanyw.

“So be strong and courageous! Do not be afraid and do not panic before them. For the Lord your God will personally go ahead of you. He will neither fail you nor abandon you (Deuteronomy 31:6)”

Marami naman ang nag-cheer kay Danica sa comment section gaya nina Mariel Padilla, Joy Sotto, at Nikka Garcia.

“You got this sis!!! Ganda mo!!!” saad ni Nikka.

Sey naman ni Joy, “Amen!!! Im super excited!!”

Nag-comment rin ang tinaguriang Queen Sawsawerra sa social media na si RR Enriquez sa post ni Danica.

Hirit niya, “Pretty preggy!”

Samantala, nag-post rin ang basketball player at asawa ni Danica na si Marc Pingris ng larawan bilang pagpapakita ng suporta sa kanyang preggy wife.

Sa larawan ay makikita nagpanggap si Marc na buntis at may baby bump habang nakanguso para humalik sa asawa.

“Masarap magkababy pero mahirap magbuntis, pero masaya. Love you my queen,” saad ng basketbolista.

Kasalukuyang ipinagbubuntis ni Danica ang pangatlong anak nila ni Marc.

Related Chika:
Danica sinagot ang netizen na curious sa tawag nila kay Pauleen

Danica Sotto sa mga produkto ng broken family: Marriage lang nila ang nag-end pero ikaw hindi…

Danica sa banyo ‘humihinga at nagdarasal’ kapag feeling niya ang daming pagsubok na dumarating

Danica, Marc ibinandera ang sikreto sa 14 years na pagsasama bilang mag-asawa: Bawal magbanta…

Read more...