Pakilig ni Ice kay Liza: Ang sarap balikan yung nakaraan, love…wala tayong label basta alam nating masaya tayo

Ice Seguerra at Liza Diño

BINALIKAN ng OPM icon at singer-songwriter na si Ice Seguerra ang mga naging kaganapan sa relasyon nila ng kanyang asawang si Liza Diño 20 taon na ngayon ang nakararaan.

Muling pinakilig ni Ice ang mga netizens sa madamdaming mensahe niya para kay Liza kung saan inalala nga niya ang mga hindi malilimutang pangyayari noong wala pang label ang kanilang relasyon.

Sa pamamagitan ng Facebook, muling ibinandera ng singer-actor na isa na ring direktor ngayon kung gaano niya kamahal ang asawa na mas naging solid pa pagkalipas nang mahabang panahon ng kanilang pagsasama.


“2002. 20 years ago…

“Mahal na kita mula noon. Lalo pa kitang mahal ngayon,” simulang pagbabahagi ni Direk Ice.

“Dati pinupuntahan lang kita sa rehearsals mo, hinihintay ka matapos para makasama kahit sandali.

“Ngayon, naghihintay pa rin matapos ka sa trabaho pero ok lang, hindi ako mapapagod maghintay. Kasi makasama ka lang, masaya na ako,” lahad pa niya.

“Ang sarap balikan yung nakaraan, love. Wala tayong label. Basta alam natin, masaya tayo kapag magkasama tayo.

“May koneksyon tayo na hindi natin naramdaman sa iba. Hindi natin alam kung saan tayo dadalhin ng buhay but we lived in the moment. Kahit pa sa McDo yan or sa auto mo, nagkukwentuhan,” dagdag pang mensahe ng premyadong singer at songwriter.

“Pero mas masarap yung pakiramdam ngayon kasi alam kong tayo na. Habangbuhay. Ang sarap isipin na ikaw yung kasama ko sa araw-araw.

“Ikaw ang unang mukhang makikita ko sa umaga at ikaw rin ang huling halik bago ako matulog.

“Napakaswerte ko na ako rin ang para sa iyo. #liceforever,” dugtong pang sabi ni Ice

Sa comments section, nag-react naman ang dating chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Aniya na kilig na kilig, “Eeeeeee, bakit ang sweet sweet mo? May kasalanan ka no? Anong ginawa mo? Una grocery, ngayon mahabang post? Hehehe.

“Namiss tuloy kita lalo. Uwi na ko sayo. Now naaaa!” chika pa ni Liza na kung hindi kami nagkakamali ay nasa lock-in shooting ng isang bago niyang project.

https://bandera.inquirer.net/316897/mommy-caring-todo-iyak-nang-malaman-ang-pinagdaanang-depresyon-at-axiety-ni-ice-seguerra
https://bandera.inquirer.net/316475/pangarap-ni-ice-seguerra-na-makapagdirek-natupad-na-sa-totoo-lang-akala-ko-hindi-na-magkakatotoo

https://bandera.inquirer.net/313277/ruffa-hindi-nagmamadali-sa-love-life-malay-mo-ending-ko-pinoy-naman-talaga

Read more...