Herlene Budol natupad na ang birthday wish na maging Darna: ‘Ding, ang korona!!!’

Marian Rivera at Herlene Budol

PAK na pak ang pagiging Darna ng Kapuso comedienne at Binibining Pilipinas 2022 first runner-up na si Herlene Budol.

Pinusuan at nakakuha ng sandamakmak na likes at comments sa social media ang pasabog na pictorial ni Herlene na nakasuot ng costume ng iconic Pinay superhero na si Darna.

Ito’y para raw sa kanyang 23rd birthday pictorial. Ayon sa komedyana, inspired daw ito sa ginamit ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera nang gumanap ito bilang Darna sa primetime series ng GMA 7 noong 2009.

Ibig sabihin, hindi ito ang costume na suot ng bagong Darna na si Jane de Leon na napapanood ngayon sa ABS-CBN.

Nag-celebrate ng kanyang kaarawan si Herlene nitong nagdaang August 23, at isa nga sa kanyang birthday wish ay ang makapagsuot ng Darna costume na talagang kinarir niya na matupad kahit sa pictorial lang.

“Ding, ang korona! Suot ko ang costume ni Darna hango sa idolo kong si Marian Rivera ng GMA Network na naging Darna noon,” ang bahagi ng caption ni Herlene sa kanyang IG post.


Sabi pa niya, 10 years old pa lamang siya nang gumanap na Darna si Marian.

“Natupad na din ang pangarap kong magsuot ng Darna costume sa aking kaarawan.

“At sa mga pumunta kagabi, na lugod kong kinatutuwa ang mga pasabog at supresa hatid ninyo sa akin,” ang mensahe pa ng dalaga sa lahat ng mga nakasama niya sa kanyang kaarawan kahit pa nga masama ang panahon.

Dahil dito, marami ang nag-suggest kay Nicole na kapag natuloy ang pagsabak niya sa international beauty pageant, pwede niyang gamiting national costume ang suot ni Darna.

Kamakailan lamang ay ibinandera ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino ang pagsali ni Herlene sa international pageant, “Gusto ko lang i-announce sa inyo na humingi ako ng basbas sa Binibining Pilipinas na naghanap ako ng international pageant na ilalaban ko pa rin si Herlene.

“Gagamitin pa rin niya ang wikang Tagalog dahil ito ay isang marka para sa kanya dahil sini-celebrate natin ang linggo ng wika ngayong buwan na ito,” aniya pa.

Pahayag naman ni Herlene, “Alam niyo, meron pa palang ibubuga ‘yung mga taong akala nila hanggang do’n na lang ‘yung utak nila. Kagaya ko po, takot ako dating magsalita sa maraming tao pero napag-aaralan po ‘yon at naniniwala po ako na napag-aaralan ang lahat ng bagay.

“Sabi nga po ni sir Wilbert ay meron pa po tayong mga susunod na laban kagaya sa international. Isisigaw ko po doon at handang-handa po akong sumigaw ng ‘Pilipinas’ kahit na Tagalog,” sabi pa ng dalaga.

https://bandera.inquirer.net/313927/jane-de-leon-biglang-naiyak-nang-isuot-ang-darna-costume-parang-doon-lang-nag-sink-in-sa-akin-na-this-is-it

https://bandera.inquirer.net/320819/herlene-budol-tuloy-ang-laban-sa-international-pageant-bobo-man-sa-inyong-paningin-pero-para-sa-akin

https://bandera.inquirer.net/304611/francine-pinatunayang-may-himala-mala-eksena-sa-pelikula-ang-pinagdaanang-hirap-ng-pamilya

Read more...