Niña Jose-Quiambao na-bash dahil sa ‘late suspension’, rumesbak: Daming hanash!

Niña Jose-Quiambao na-bash dahil sa 'late suspension', rumesbak: Daming hanash!

DINIPENSAHAN ng dating aktres at kasalukuyang alkalde ng Bayambang, Pangasinan na si Niña Jose-Quiambao kung bakit na-late ang kanyang pag-anunsyo ng class suspension sa kanyang nasasakupan.

Sa isang Facebook post ng alkalde ay pinakiramdaman muna niya kung “worth it” ang pagsuspende ng mga klase dahil ayaw niyang masayang ang mga naging pagisiskap na ginawa para sa face-to-face classes.

“Daming hanash!!! Pasensya na po at late ang revision ng announcement ng suspension of classes,” saad ni Mayor Niña.

Muling humingi ng paumanhin ang alkalde sa kanyang nasasakupan na naapektuhan sa kanyang late announcement at mas pag-iigihin pa ang pagdedesisyon sa susunod.

“I take the blame, and sorry if sayang sa pamasahe nyo and all the gas,” pagpapatuloy niya.

Ani Mayor Niña, “Last night, nagpost na po kami sa Balon Bayambang suspension of classes until prep lang because, education is a priority of mine, but because of the weather and state of some, some I repeat and not all schools, we decided to suspend up to high school altogether. I do take the blame and Pasensya na po ulit.”

Naiintindihan naman daw niya ang kalagayan ng mga mag-aaral maging ng mga magulang lalo na’t siya mismo ay may anak.

“I do take the blame, parents should use their own discretion- I am a parent my son is grade 1 and late ko na din nasuspend.. and the thing is I really am the parent of the whole town- INA ng bayan so I do take the blame,” sey pa ni Mayor Niña.

Nangako naman ang alkalde na hindi na ito mauulit.

Biro pa niya, “Next time Wala pang BAGYO suspended na lahat haha super advance.”

Related Chika:
Cristy Fermin ipinagtanggol si Ella Cruz: Wala akong nakikitang mali

Mama Mary nagpakita raw sa dating aktres na si Nina Jose matapos maaksidente sa ‘suob’

Niña Jose-Quiambao, Mayor Cezar sumabak sa ‘lie detector challenge’, sino nga ba ang mas honest?

Read more...