Julia mas tumaas ang respeto sa mga sex worker dahil sa 'Expensive Candy': Iba pala yung sexy ka sa nang-aakit ka | Bandera

Julia mas tumaas ang respeto sa mga sex worker dahil sa ‘Expensive Candy’: Iba pala yung sexy ka sa nang-aakit ka

Ervin Santiago |August 24,2022
facebook
share this

Julia mas tumaas ang respeto sa mga sex worker dahil sa ‘Expensive Candy’: Iba pala yung sexy ka sa nang-aakit ka

Ervin Santiago - August 24, 2022 - 10:40 AM

Julia Barretto at Carlo Aquino

TUMAAS ang respeto at mas lalo pang bumilib si Julia Barretto sa mga sex workers habang ginagawa ang pinakamatapang at pinaka-daring niyang pelikula, ang “Expensive Candy.”

Siniguro ng dalaga na ibang-ibang Julia Barretto ang mapapanood ng madlang pipol sa pinakabagong movie ng Viva Films na ipalalabas sa mga sinehan simula sa September 14. Makakatambal niya rito ang award-winning actor na si Carlo Aquino.

Sa naganap na virtual mediacon ng “Expensive Candy” ipinakilala si Julia bilang “Drama Royalty of the Century” at sinasabi nga na ikasa-shock ng mga fans ang pinaggagawa ng dalaga sa movie.

Ayon sa girlfriend ni Gerald Anderson, game na game niyang sinunod ang lahat ng ipinagawa sa kanya ng kanilang direktor na si Jason Paul Laxamana na nakatrabaho niya sa pelikulang “Between Maybes” noong 2019.

“Never akong makaka-no kay Direk JP kahit ano pa yung ibigay niya, ipagawa sa akin, hindi ako makaka-no.

“Number one, the story is really nice. Nung nabasa ko yung script, I immediately knew I wanna do it. Yes, I’m very excited to do it,” pahayag ng aktres.

Isa sa mga ginawang paghahanda ni Julia para sa kanyang karakter bilang Candy ay ang personal na pagpunta sa “walking street” ng Angeles City. Doon, nakipagchikahan talaga siya sa mga sex worker at nag-aral ng sexy dance numbers.

“Ang daming beses namin nag-usap ni Direk at saka nag-meet bago kami nag-start mag-roll. Pero siguro, my favorite thing always to do before doing a film is immersing.

“Unforgettable yung night namin ni Direk sa Angeles City and we were able to visit the walking street kung saan mismo kami nag-shoot.

“Tapos, naghanap po kami ng puwedeng reference ko for Candy, na ngayon, naging kaibigan ko rin.”

View this post on Instagram

A post shared by Julia (@juliabarretto)


“I thought after ASAP, tapos na akong sumayaw, pero napasabak ako sa G-Force for this. Nag-workshop muna ako ng mga seksing sayaw bago kami mag-start mag-roll. That’s the best part, immersing to become the character,” tuluy-tuloy na pahayag ni Julia.

Aniya pa, “Marami po akong kinailangang panoorin for this but iba pa po talaga yung mag-immerse ka kung saan naka-set at naka-based yung kuwento.”

Ayon kay Julia, matapos niyang makilala ang mga sex workers, mas lalo raw tumaas ang respeto niya sa mga ito, “Malaking bagay po yung pumunta kami sa walking street, napanood namin yung the beautiful women there, the hardworking beautiful women who work in that street in Angeles City.

“I admire them so much and I have so much respect for them. Meron po akong mga naging kaibigan at saka mga nakilala nu’ng gabing yun. Marami po akong naitanong. But I guess, just to protect them as well, I don’t wanna divulge any information.

“But I did get a few tips and tricks and a little bit of dance moves from the women there. They’re amazing. The girls there are amazing.

“It was very challenging. This movie really challenged me in a very physical way, mentally and emotionally, just being comfortable in the outfits that I had to wear, in front of a lot of different people,” paliwanag niya.

Paglalarawan pa ng aktres sa kanyang role, “Si Candy kasi hindi naman siya about pagpapaseksi lang. Si Candy, palaging may intention of seducing.

“I thing being sexy and having to seduce, after this film, I realized they’re two very different things. So, iba yung sexy ka sa nang-aakit ka,” aniya pa.

Ang “Expensive Candy” ay kwento ng pag-ibig na mahahanap sa hindi inaasahang lugar at pagkakataon, tungkol kay Renato “Toto” Camaya (Carlo), isang high school teacher na mala-love at first sight kay Candy (Julia) matapos nitong bayaran ang isang gabi para makasama ang dalaga.

Iba ang dating at hindi mawala sa isip ni Toto si Candy, kaya susubukan niyang mapalapit dito at makasama araw-araw, gabi-gabi. Kahit na mahirap at ma-effort, kahit bayaran pa niya ang oras nito.

Isang simpleng lalaki na may simpleng pamumuhay, ang tanging pangarap lang ni Toto ay ang makasama si Candy, at handa siyang gawin ang kahit na ano at ibigay ang lahat para dito.

Pero may ibang plano si Candy, at hindi ‘yon ang makasama at maging sila ni Toto. Gusto niyang yumaman at umangat sa buhay habang ginagawa ang bagay na alam niyang magaling siya: ang mang-akit ng mayayamang lalaki na bibigyan siya ng maraming pera para mamumuhay ng payapa at marangya.

Mabago pa kaya ni Toto ang isip ni Candy at tuluyang ibahin ang pangarap nito? O magigising sa katotohanan si Toto at tatanggapin na mahal mahalin ang isang gaya ni Candy?

Tunghayan ang tagos-pusong linyahan at kakaibang screen chemistry nina Carlo at Julia, sa una nilang pagtatambal sa “Expensive Candy”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mula sa Viva Films, subaybayan ang “special” at one-of-a-kind love story nina Candy at Toto. Lahat ba, kahit na pag-ibig, ay may presyo? Handa ka bang bayaran ito? Mapapanood na ang “Expensive Candy” sa September 14 sa mga sinehan nationwide.

Aljur tumaas pa ang respeto sa pulis, sundalo dahil sa ‘Mamasapano’: Nahirapan ako para sa kanila…

Xian Lim mas tumaas pa ang respeto sa mga nanay matapos ‘mabuntis’: Grabe, hindi talaga siya biro!

Candy ‘Idol Mom’ ng mga nanay na may special child: Nakakabilib ang tapang niya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending