FEELING daw noon ng Kapuso actress na si Kylie Padilla hindi niya kakayanin ang mga challenges at responsibilidad ng isang single working mom.
Pero napatunayan daw ng aktres na kaya pala niyang panindigan ang pagiging ina at ama sa dalawa niyang anak na sina Alas at Axl.
Sa finale mediacon ng pinagbibidahang serye ni Kylie sa GMA 7 na “Bolera” na magtatapos na sa darating na Biyernes, natanong namin ang celebrity mom kung ano ang mga bagong discoveries niya bilang single parent.
Aniya, marami siyang realizations bilang nanay na mag-isang nagtatrabaho para sa dalawa niyang anak sa kanyang estranged husband na si Aljur Abrenica.
Inamin ni Kylie na nakukusensiya raw siya noong magsimula na siyang maging single working mother dahil nga baka hindi niya ito mapanindigan at makayanan.
“Noong una, feeling ko talaga, hindi ko kaya. Feeling ko, nagi-guilty ako. May mom guilt kasi na, ‘Wala ka…’ Parang, ‘Bakit mas pinipiling magtrabaho kesa mag-alaga ng anak?’ May ganoon ako.
“But, as a single working mom, nakikita ko kapag nandiyan na yung reward. Siyempre, mas nabibigyan ko sila ng magandang buhay if I work. May sacrifice talaga.
“But I know better now before ako nag-start. I know why I’m doing it kasi, ngayon, nangangarap na rin akong bumili ng bahay para sa kanila. I see the bigger picture now.
“So, yun siguro ang natutunan ko. As a working mom, it’s really a blessing to be able to work kasi not every mom can do that,” paliwanag ni Kylie.
Natanong din ang aktres kung anu-ano naman ang mga natutunan niya sa kanyang karakter sa “Bolera” na si Joni Fajardo.
“Ang pinakatumatak sa akin is to trust the healing process. Kasi si Joni, kaya naman siya naging mainitin ang ulo, kaya siya nagalit sa mundo, kaya siya naging ganoon is because I feel like hindi pa niya na-process ang pagkamatay ng tatay niya.
“Biglaan kasi. Hindi niya ine-expect, and she’s a daddy’s girl. Hindi pa niya totally na-heal ang sarili niya bago siya sumabak sa mga ginagawa niya. She’s really trying hard to heal herself.
“Pero, di ba, healing takes time? So, if I was to talk to Joni, I would tell her na, ‘Kalmado ka lang. Take it easy on yourself,'” paglalahad ni Kylie.
Samantala, hinding-hindi rin niya makakalimutan habang siya’y nabubuhay ang makalaro si Efren “Bata” Reyes at ang iba pang world champion pagdating sa billiard.
“Alam kong mai-starstruck ako kasi hindi lang isa yung makikilala ko.Sabay-sabay sila, lahat ng legends sa isang room.
“Sabi ko na lang, I will just be Joni. Kasi kung si Kylie yun, baka hindi ako makaarte. So, talagang I got into Joni’s shoes and nakinig na lang ako.
“Lahat sila may payo sa akin sa paglalaro ng billiard at naging sponge lang ako. In-enjoy ko lang yung game namin kasi ang saya nilang kasama, to think na world champions sila pero walang kaere-ere.
“They’re so friendly, so humble, and so ready to teach. Nakakatuwa, ang saya-saya ko.
“Ramdam ko rin yung masaya sila na ako yung napili to represent billiard for a few months sa show namin. I’m really thankful that they’re really nice and accepting,” pahayag pa ng Kapuso star.
Tutukan ang huling apat na gabi ng “Bolera” sa GMA Telebabad.
https://bandera.inquirer.net/305228/kylie-inatake-ng-sepanx-habang-naka-quarantine-feeling-recharged-nang-makita-ang-smile-ng-2-anak
https://bandera.inquirer.net/321691/jane-single-na-single-pa-rin-naku-wala-na-po-akong-time-sa-lovelife-wala-na-nga-rin-po-akong-oras-sa-mga-pusa-ko-eh
https://bandera.inquirer.net/283765/ai-ai-sa-pagiging-single-mom-noon-isa-yun-sa-pinakamahirap-na-moment-sa-buhay-ko