Cloe Barreto sa ideal dyowa: Marespeto sa parents at responsable, kapag mayabang turn off agad ako!

Cloe Barreto at Marco Gomez

KUNG ikukumpara sa ginampanan niyang character sa mga sex-suspense-thriller movie na “Tahan” at “The Influencer”, mas mahirap daw ang mga pinaggagawa ni Cloe Barreto sa bago niyang original Vivamax film.

Ito ay ang “Do You Think I Am Sexy” kung saan makakasama niya ang sexy actor na si Marco Gomez at sa direksyon ni Dennis Marasigan.

Kuwento ni Cloe, ibang-iba naman ito sa mga previous sexy films na ginawa niya sa Vivamax dahil for the first time ay dalawang role ang gagampanan niya this time.

Sa naganap na virtual mediacon ng “Do You Think I Am Sexy”, natanong ang dalaga kung hindi ba siya natatakot sa overexposure dahil nga sunud-sunod na ipinalabas ang mga pelikula niya nitong mga nagdaang buwan.

“No, I’m not afraid of being overexposed. Kasi enjoy lang talaga ako when I’m acting before the camera, so give me more more movies pa,” sagot ni Cloe na talaga namang walang inuurungan pagdating sa hubaran at churvahan sa kama.

Sa “Tahan” at “The Influencer”, parehong psychotic character ang ginampanan niya, dito naman sa “Do You Think I Am Sexy”, “Naku, mas mahirap yung role ko dito kasi bale I play two different roles.

“Yung normal character ko is Charlize, a college student na breadwinner din sa family nila. I earn my living by being a camgirl, creating content online for a site called ‘Do You Think I Am Sexy?’.

“Now, sa online, ang name ko is Elle, na ibang-iba kay Charlize,” kuwento pa ni Cloe about her role.


“Mahirap gawin sina Charlize at Elle, but with the help of our director, Dennis Marasigan, I think nagawa ko naman nang maayos. Bilang artista kasi, kailangan, lahat puwede mong gawin,” dagdag pa ng palabang sexy star.

Nagpasalamat din siya kay Direk Dennis dahil binigyan daw siya nito ng freedom kung paano lalaruin ang kanyang karakter.

“Yes, ang maganda sa kanya, when I suggest something na gusto kong gawin sa eksena, hindi niya basta nire-reject. He’d say, sige, gawin mo, tingnan natin kung lalabas na maganda. He collaborates with his actors,” sey ni Cloe.

Kumusta naman ang muli nilang pagtatambal ni Marco Gomez sa isa na namang pelikula ng Vivamax? “We know each other na kasi we’ve worked together in my first movie, ‘Silab’, with Direk Joel Lamangan. He played my lover there na nu’ng iiwan ako, I cut off his sex organ.

“Dito, may pagka-violent din ang naging relasyon namin kasi he’s taking advantage of me,” pagbabahagi pa ng dalaga.

Samantala, natanong din siya kung paano niya masasabing sexy ang isang lalaki, “Mas gusto ko kapag nakikita kong family oriented siya, responsible, marespeto sa parents niya.

“Gusto ko rin kapag may foresight siya and looks at the future para paghandaan niya. Kapag mayabang, turn off agad ako,” dagdag ni Cloe.

Makakasama rin sa movie sina Ava Mendez at Milana Ikimoto sa direksyom ni Dennis Marasigan at mapapanood na ito sa Vivamax simula sa Sept. 9.

https://bandera.inquirer.net/310100/cloe-barreto-mapapalaban-ng-aktingan-kina-jaclyn-jose-at-jc-santos

https://bandera.inquirer.net/320717/sean-de-guzman-cloe-barretto-wala-nang-malisya-sa-isat-isa-trabaho-lang-po

https://bandera.inquirer.net/298741/julia-gerald-magsasama-kayang-muli-sa-isang-pelikula

Read more...