“YES, vaccinated ako may booster pa pero pakiramdam ko mas malakas siya, mas malala ang symptoms na nararamdaman ko ngayon!”
Ito ang naging pahayag ng Kapuso actress-entrepreneur na si Lovely Abella matapos tamaan ng COVID-19 sa ikalawang pagkakataon.
Nagpositibo sa nasabing virus ang komedyana at nahawa pa raw sa kanya ang asawang si Benj Manalo kaya mas lalo pa raw siyang nadismaya.
Kaya muli niyang pinaalalahanan ang publiko na hindi dapat makampante dahil kalat na kalat pa rin ang virus at meron pa rin talagang pandemya sa Pilipinas kahit na marami nang bakunado at may booster pa.
Noong August, 2020 nang unang mahawa ng COVID-19 si Lovely pero siya ay asymptomatic.
“Nagpapaalala na nasa tabi tabi lang siya at di nawawala, nagpapaalala na magiingat pa din tayo lalo na ang iba di naman nagiingat, nagpapaalala na ibalik ang dati kung paano tayo katakot sa kanya.
“Nagpapaalala na dapat isipin mong asymptomatic ang kausap mo at ayaw mong mahawa sa kanya,” ang mensahe ni Lovely sa lahat ng Filipino na ipinost niya sa Instagram kahapon, August 22.
Sabi pa ng aktes, hindi niya inaasahan na tatamaan uli siya ng COVID-19 at symptomatic pa dahil nga bukod sa bakunado ay may booster pa siya.
“Yes vaccinated ako may booster pa pero pakiramdam ko mas malakas siya, mas malala ang symptoms na nararamdaman ko ngayon.
“Mas natakot ako di para sa sarili ko kundi para sa anak ko at mga mas matanda sakin. Di pa din tayo safe ang mundong ginagalawan natin ay di pa din safe,” aniya pa.
Ang ikinalulungkot at ikinadidismaya pa ni Lovely ay nahawa pa niya ang asawang si Benj Manalo kaya sana raw ay triplehin pa ng mga Pinoy ang pag-iingat hindi lang para sa sarili kundi para sa buong pamilya.
“Nadamay ko pa ang Asawa ko dahil siya ang nag aalaga sakin, madami akong plano this year pero nabago dahil sa paalala na di pa din safe ang mundo.
“Nag-ingat naman ako pero siguro may nakaligtaan ako kaya muli nagkaCovid ako. Kaya please tripleng ingat, malakas siya at kawawa ang mga mahihina ang resistensiya,” sabi pa ng Kapuso comedienne.
Sa huli, sinabi ni Lovely na, “Pero.. isa lang ang alam ko bat ako nagkaganito, walang araw na nagpahinga ako sa trabaho kaya kinalabit din siguro ako ni LORD na kailangan magpahinga di man maganda ang way pero masarap palang magpahinga mula sa work, sa stress at sa social media.
“Kaya mga kaibigan magpapahinga lang po kami. Babalik ako pag malakas na ako ulit. #hanashnilovely,” aniya pa.
https://bandera.inquirer.net/304142/benj-sa-1st-anniversary-nila-ni-lovely-nakakakilig-pa-rin-mahalforever-na-tayo-ha
https://bandera.inquirer.net/312321/lovely-abella-inalala-kung-paano-siya-natulungan-ni-marian-rivera
https://bandera.inquirer.net/316613/lovely-abella-benj-manalo-tinanggap-si-holy-spirit-yesterday-is-the-best-day-of-our-lives-were-saved-by-god