Miguel Tanfelix umamin na kay Ysabel Ortega: Yung mga traits na hinahanap ko sa babae, nakikita ko sa kanya

Ysabel Ortega at Miguel Tanfelix

MARAMI ang nakakaramdam na parang may “something” na sa pagitan ng bagong Kapuso loveteam na sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega.

Sabi ng kanilang fans, feeling nila ay magdyowa na raw ang dalawa na nagsimulang magkamabutihan nang gawin nila ang action-drama series na “Voltes V: Legacy”.

Next year pa mapapanood sa GMA ang nasabing live-action adaptation ng hit classic Japanese anime kaya kaya binigyan muna sina Miguel at Ysabel ng isa pang proyekto, ito ngang romance drama na “What We Could Be”.

Sa nakaraang virtual mediacon ng naturang serye ay natanong nga ang magka-loveteam kung ano na ba talaga ang tunay na estado ng kanilang relationship.

Sagot ni Ysabel, “Yeah, very close kami ni Miguel ngayon and hindi naman po sa… well, hypothetically, bawal akong mag-say yes to anything like that.


“But, yun nga, kami ni Miguel, we’re really trying to just enjoy the moment. Hindi naman kami nagmamadali, yun basta po, masaya kami ngayon. Enjoy lang po,” lahad ng dalaga.

Sabi naman ni Miguel, “Honestly, kami ni Ysabel, very close kami ngayon. I think it’s inevitable kasi araw-araw kaming magkasama.

“And aaminin ko na yung mga traits na hinahanap ko sa babae, nakikita ko kay Ysabel. Yun muna,” dagdag pa niyang tugon.

Aminado rin ang dalawa na mas lumalim pa ang samahan nila dahil halos hindi na sila naghihiwalay pa nitong mga nagdaang buwan. Sabay kasi nilang ginagawa ngayon ang “Voltes V: Legacy” at “What We Could Be.”

“Definitely po. Lalo na nga po na sinu-shoot namin ang What We Could Be, segue din siya with our other series. Halos araw-araw kaming nagkikita.

“Puyat kami but, at the same time, we’re there for each other. Nagbibigay ng energy kung may kailangan.

“I feel like yung camaraderie namin, yung team work namin, mas nakilala talaga yun sa working relationship namin,” sabi ng dalaga.

Dagdag pa niyang chika, “Honestly, ang laking tulong sa akin ni Miguel. Of course, alam naman natin na magaling na actor si Miguel and I feel like ang dami ko rin natutunan sa kanya professionally sa set, and sobrang grateful lang ako kasi napaka-supportive niya.

“Even in Voltes V pa lang, talagang na-familiarize na namin ang isa’t isa when it comes to our work ethics. And I feel na dito namin sa What We Could Be na-execute talaga kasi ang dami naming scenes together. Nagtutulungan kami and tinutulungan niya ako.

“And I just feel grateful kasi, there’s a lot of pressure rin for me. One, to be paired with Miguel at bilang baguhan pa lang ako. And at the same time, to be one of the leads sa show na ‘to.

“Sobrang laking tulong sa akin na may support system ako, which is Miguel,” sey pa ng anak ni Sen. Lito Lapid.

Mapapanood na ang “What We Could Be” simula sa August 29 sa GMA Telebabad kapalit ng magtatapos nang “Bolera”.

Kasama rin sa serye sina Yasser Marta, Aleck Bovick, Joyce Burton, Soliman Cruz, Bimbo Bautista, Art Acuña, Joel Saracho at Celeste Legaspi.

Ka-join din dito ang iba pang Sparkle talents na sina Vince Crisostomo, Pam Prinster, Hailey Mendes, Lia Salvador, at ang dating child actor na si EJ Jallorina.

https://bandera.inquirer.net/319920/miguel-tanfelix-ysabel-ortega-magdyowa-na

https://bandera.inquirer.net/322047/ysabel-ortega-type-na-type-ang-pagiging-joker-ni-miguel-tanfelix-and-hes-sweet-and-very-caring
https://bandera.inquirer.net/281877/miguel-tanfelix-sa-pagiging-leader-ng-voltes-v-sobrang-nape-pressure-ako

Read more...