Heart, Chiz may pinagdaraanan bilang mag-asawa, totoo nga kayang naghiwalay na?

Heart Evangelista at Chiz Escudero

MAY mga ugung-ugong tungkol sa tampuhan ng mag-asawang Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero na nagsimula nang tanggalin ng aktres ang apelyido ng asawa sa kanyang Instagram account pero naroon pa rin ang katagang “wife.”

May nabasa kami na kaya tinanggal ni Heart ang apelyidong Escudero ay dahil may kinalaman sa international project nito. At dahil dito kaya nagkaroon daw ng tampuhan ng asawa.

Sa “Showbiz Update” vlog nina Ogie Diaz at Mama Loi kasama si Dyosa Pockoh ay may nabanggit silang ibang kuwento kung bakit may isyu ang mag-asawa.

Bungad ni Ogie, “Actually, wala pa ring paglilinaw kung sila pa rin, or hindi na, or nagkakatampuhan lang.”


Sabi naman ni Mama Loi, “Ang daming nagtatanong sa akin ‘Nay kung totoo raw ba na ang rason umano ng kanilang paghihiwalay ay nakabuntis daw si Senator Chiz Escudero? Nakakaloka!”

“Naku, ganu’n ba ‘yun?” saad naman ni Ogie.

“E, kasi si Heart hindi pa handang maging nanay daw, so may mga ganu’n-ganu’n kasi gustong i-maintain ni Heart ang kanyang figure. May mga nababasa pa kayong ganyang comment,” dagdag kuwento pa ni Ogie.

At marami rin daw ang nakapansin sa latest TikTok video ni Heart. “Sa TikTok reel ni Heart mayroon siya roon nabanggit tungkol sa hiding your sorrows with the shades,” say ni Mama Loi.

At pinanood nila ang video na nagbibihis ang wifey ni Sen. Chiz. Base sa boses ni Heart na kinakausap ang sarili habang nagbibihis at nakaharap sa salamin, “Saan na naman ang larga mo, Ganda. Okay this is what we’re gonna wear.

“Shouldn’t think what other people say. Just dress however you want if it makes you feel good.

“Go for it, Darling. This is how it should be.

“All day everyday. Put on those shades to hide your sorrows. No, I’m just kidding. I’m not sad charot. Just a little bit.

“But …anyway this is the look where we are going.

“We don’t know, you, figure it out.

“But you are amazing. You all are!

“Kill it, kill it girl!” sabay alis ni Heart sa harapan ng salamin pagkabihis.

“Ayun pala ‘yun,” sambit ni Ogie.

Sabi naman ni Mama Loi, parang may something na idinadaan na lang sa pagsusuot ng shades kaya nagtataka ang mga nakapanood ng reel ni Heart. Sabay tanong kay Ogie kung ano ang komento nito.

“Nakakaloka, eto nga may nagsabi na ‘yung pagsasama nila sa GMA (Artist Ball), tinatanong nila (netizens) kung nasundan daw ba ‘yun? Talagang mga stalker ang mga Marites ngayon,” say ni Ogie.

Sinabi rin ng co-host ng talent manager na marami silang natatanggap na mensahe kung ano na ang latest sa mag-asawang Heart at Chiz.

Bukas ang BANDERA sa panig nina Heart at Sen. Chiz tungkol dito pero mas gusto pa rin naming isipin na hindi sila naghiwalay at nagkakatampuhan lang tulad ng ibang mag-asawa.

Heart Evangelista tinanggal ang apelyido ni Sen. Chiz sa IG name, may pinagdaraanan nga ba?

Heart Evangelista may dapat ipaliwanag sa netizens; Yam Concepcion thankful sa ‘Ang Probinsyano’

Heart talagang naghanap ng lalaking mas matanda sa kanya; Chiz may tips para makaiwas sa toxic na kapamilya

Read more...