Mariel sa body shamer: Nanganak ako, 2 times, OK! Ikaw, what happened to your attitude?

Mariel Rodriguez

“BEAST mode” ang TV host-entrepreneur na si Mariel Rodriguez nang mabasa ang pang-asar na komento ng isang body shamer laban sa kanya.

Supalpal ang nasabing hater sa misis ni Sen. Robinhood Padilla na nang-okray sa kanya habang nasa Facebook live selling session noong August 7.

In-upload ng isang netizen sa TikTok ang video recording last August 13 ng isang parte ng live selling ni Mariel kung saan binabasa nga nito ang mga comments ng kanyang viewers.

Sabi ng TV host, “What? Napakasama naman nitong taong ito. ‘What happened to your body’ daw?

“Okay, nanganak ako, two times. Okay? Ikaw? What happened to your attitude?” bwelta ni Mariel sa basher.


Tumatawa pa niyang hirit, “O, di ba, nakikipag-away?”

Tawang-tawa naman ang mga netizens sa pambabasag ng wifey ni Robin sa body shamer at halos lahay ay nagsabing winner ang kanyang pagiging resbaker.

Sa vlog ni Ogie Diaz, inamin ni Mariel na nahe-hurt siya sa panlalait ng ilang netizens sa kanyang katawan. Pero aniya, hindi ko sila masisisi dahil yun naman ang totoo.

“May pakialam ako kasi tao ako, masakit. Pero kaya lang, hindi ko naman sila masisisi dahil totoo,” ang pag-amin pa ni Mariel kapag tinatawag daw siyang “baboy” at “butanding.”

Samantala, sa isa pang panayam, sinabi ni Mariel ang feeling niya ay “calling” talaga niya ang pagtitinda, “Alam mo, feeling ko, yun na yung calling ko. Yun na yung gusto ko talagang maging. Gusto ko talagang maging ganu’n.”

“Kapag may pinupuntahan akong lugar tapos makikita ko yung mga madam dun, ang iniisip ko, ‘Oh my gosh, gusto ko maging kliyente itong mga ito.’

“Ganu’n na yung iniisip ko talaga sa kanila every time. ‘Tapos they always tell me na, ‘Hoy, nanonood kami ng live mo!’ ‘Mag-mine ka naman!’

“Sobra ko siyang nae-enjoy. Tapos umabot na sa point na nape-pressure ako. For example, may magme-message na ‘tapos maghahanap sila ng item.

“Kahit hindi pa ako ready i-let go yung bag na yun dahil sa kagustuhan kong maka-provide du’n sa mga nag-i-inquire sa akin, binebenta ko na rin. Umabot na ako sa ganu’n!” chika pa ni Mariel sa nasabing interview.

https://bandera.inquirer.net/301034/zeinab-harake-na-experience-ang-pagiging-attitude-ni-ivana-alawi
https://bandera.inquirer.net/289447/youtube-channel-ni-marcelito-pomoy-na-hack-shame-on-those-people-doing-this

https://bandera.inquirer.net/320535/lara-sa-resulta-ng-bb-pilipinas-2022-there-were-no-mistakes-our-new-queens-are-deserving-and-the-rightful-winners

Read more...