Orcullo, Biado maglalaro sa SEA Games

IBABANDERA ng Pilipinas ang dalawang batikang pool players sa kalalakihan sa Myanmar Southeast Asian Games.

Si Dennis Orcullo ay kasapi ng national team at tiyak na maglalaro sa Disyembre habang ang makakasama niya ay si Carlo Biado na isang semifinalist sa World 9-Ball Championship sa Doha, Qatar kamakailan.

Ang dalawa ay manlalaro ng Bugsy Promotions at mismo ang may-ari nitong si Ceferino “Perry” Mariano ang nagkumpirma na magkasama ang dalawa sa delegasyon.

“Nakipag-usap sa akin ang BSCP at hinihiram si Carlo. Sa akin naman walang problema dahil para sa bayan ito at hindi para sa BSCP kaya pumayag ako,” wika ni Mariano.

Si Orcullo ay nakatambal ni Lee Vann Corteza na nagkampeon sa 2013 World Cup of Pool at siya ang nagdedepensang kampeon sa SEA Games sa larangan ng 8-ball.

Priority athlete ang nasabing pool player at inaasahang palaban sa pool events na paglalaruan lalo pa’t sinungkit din niya ang tansong medalya sa 2013 World Games sa Cali, Colombia.

Read more...