Pirates tiklop sa Generals

NILIMITAHAN ng Emilio Aguinaldo College sa anim na puntos ang Lyceum sa inangking 71-63 panalo para lumakas pa ang paghahabol sa puwesto sa Final Four sa 89th NCAA men’s basketball kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Si Jose Morada ay mayroong 21 puntos habang sina Elyzar Paguia, Jan Jamon at Noube Happi ay mayroong 18, 14 at 13 puntos upang maitabla ng Generals ang karta sa 7-7.

May 19 puntos sa first half si Morada at siyang magtrabaho para bigyan ang Generals ng 40-33 kalamangan.

Ngunit sa sumunod na yugto ay gumana ang depensa ng EAC para lumawig pa ang kalamangan sa 13 puntos, 52-39, at maibulsa ang ikalawang sunod na panalo.

Si Morada ay mayroon ding limang steals habang si Happi ay may 10 rebounds upang maiwan na lamang ang Generals ng isa’t-kalahating laro sa pumapang-apat na San Sebastian College.

Si Issah Mbomiko ay mayroong 15 puntos para sa Pirates na nalasap ang ika-10 pagkatalo laban sa apat na panalo.

Read more...