Darna ibinase kay Superman at sa single mom ni Mars Ravelo; ano ang kuwento sa likod ng mahiwagang bato?

Finally, ipinakita na sa madlang pipol ang costume ni Darna

Jane de Leon

 

NILIKHA ng tinaguriang Filipino comics legend na si Mars Ravelo ang iconic Pinay superhero na si Darna bilang pagkilala sa kanyang lola na isang single mother.

Kuwento ng anak ni Mars Ravelo na si Rex Ravelo, bukod kay Superman, ang kauna-unahang paglipad ni Darna sa Pilipinas ilang dekada na ang nakararaan, inspired din ito sa buhay ng nanay ng kanyang ama.

Sa ginanap na grand launch ng “Darna” kamakailan na pinagbibidahan ni Jane de Leon at sa direksyon ni Chito Roño, nagkuwento nga si Rex tungkol sa tunay na dahilan kung bakit naisipan ng kanyang ama na buhayin si Narda at Darna.

Kasabay nito, ibinandera rin niya na ang ABS-CBN ang “best platform” para sa iba pang komiks character na nilikha ni Mars Ravelo, bukod kay Darna.

“We signed up with ABS-CBN because we feel that it’s the best platform that we can have. Mataas ang expectations namin talaga. Having Mr. Roño as the director, iyon na ‘yun, e. It’s a dream come true. Hindi pa tumitigil ang goosebumps ko. This is like a dream,” pahayag pa ni Rex.


“Based on their products, I think mas maganda talaga na sa kanila mapunta ‘yung projects. Hindi lang ABS-CBN ang option namin, but the best option is ABS-CBN,” sabi pa ng anak ng iconic novelist na si Mars Ravelo.

Kasunod nga nito, naikuwento niya na ang karakter ni Iza Calzado bilang “first Darna” na siyang nagpasa sa kanyang anak na si Narda played by Jane ay ang tunay na inspirasyon sa paglikha kay Darna.

“A lot of people don’t know that my father grew up very poor. Kaya nagkaroon ng ‘Darna,’ dahil na-inspire siya ng nanay niya. Single mother ang nanay niya. Watching the mother raise them singlehandedly, with the inspiration of Superman, he created Darna.

“So iyong twist ngayon ng nandiyan si Iza Calzado as your mother (sabay baling kay Jane), nagkaroon ng twist ng family, na iyon talaga ang pinagmulan ng story ng Darna,” paliwanag ni Rex.

Samantala, may pa-trivia rin ang anak ni Mars Ravelo tungkol naman sa pinagmulan ng mahiwagang bato na isinusubo ni Narda para mag-transform bilang Darna.

“Iyong bato ay agimat. Tatak ng Filipino. Ang agimat is really Filipino. Doon nanggaling ‘yung bato na nilulunok.

“Originally, ang bato ay hindi na niluluwa, kasi walang weakness si Darna. Kapag nilunok niya ‘yung bato, iyong power niya has no limits.

“Sisigaw lang siya ng ‘Narda’ para bumalik siya sa pagiging Narda, pero ‘yung bato ay hindi lumalabas, pumupunta sa puso niya,” kuwento pa niya.

“The directors, the writers said hindi maganda na walang weakness si Darna, so ginawa nila na lumalabas ‘yung bato, para maging exciting sa movie na puwede siyang matalo,” dagdag pa niya.

“Inaabangan ito ng international audience na hindi nakakaintindi ng Tagalog pero papanoorin nila, kasi meron nag pagkakakilala ang Darna internationally. Maraming nakaabang. Ito ay malaking, malaking plataporma na wala dati,” sey pa ni Rex Ravelo.

https://bandera.inquirer.net/320981/joshua-garcia-pumayag-agad-sa-topless-scene-sa-darna-why-not-hindi-naman-siya-sobrang-laswa
https://bandera.inquirer.net/319056/pamilya-ni-mars-ravelo-puring-puri-si-jane-de-leon-aprub-sa-bagong-costume-ni-darna-yes-the-best
https://bandera.inquirer.net/311367/angel-locsin-bato-dela-rosa-nagkita-sa-leyte-netizens-nag-react-darna-ang-bato

Read more...