Angel Aquino pormal nang nagpaalam kay Gen. Diana Oligario: Now rock & roll in Probinsyano heaven!

Angel Aquino at Coco Martin

ILANG araw matapos ang inabangan at tinutukang “pambansang pagtatapos” ng “FPJ’s Ang Probinsyano”, pormal na ring nagpaalam si Angel Aquino sa ginampanang karakter sa serye.

Limang taon ding nakasama ng award-winning actress ang Teleserye King na si Coco Martin sa longest-action series ng ABS-CBN kaya naman talagang napakahirap para sa kanya ang bumitiw sa programa.
Ngunit kailangan na ngang mamaalam ni Angel sa karakter niya sa serye bilang si Gen. Diana Olegario.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram page, sinabi ni Angel na hinding-hindi niya makakalimutan ang role niya sa “Ang Probinsyano” na nagtapos na last Friday, August 12.

“Before I change my suit, I want to say goodbye to the patriotic, selfless, strongest, toughest, most courageous woman I had the honor of being.


“Because of you I remembered to love our country, and I learned to fight. The fire we created together will forever burn in my soul,” ang caption ng aktres sa kanyang IG post.

Dagdag pa niya, “Hindi kita makakalimutan, General. Saludo. Now rock and roll in Probinsyano heaven.”

Sa last episode ng serye, isinakripisyo ng karakter ni Angel ang buhay para kina Cardo Dalisay (Coco), at President Oscar Hidalgo (Rowell Santiago).

Sa isang video ng Dreamscape Entertainment, sinabi ni Angel na proud na proud siya na naging bahagi siya ng “Ang Probinsyano.”

“Nakaka-proud na naging bahagi ako nito. Hindi matatawaran ‘yung mga naging experiences ko sa show na ito. Marami akong natutunan, it really challenged me a lot,” aniya pa.

https://bandera.inquirer.net/282940/lampungan-photos-nina-ellen-at-derek-sa-beach-binanatan-ng-netizens-mahiya-naman-kayo

https://bandera.inquirer.net/287827/joem-nagpaalam-muna-kay-meryll-bago-nakipag-churvahan-kina-lovi-at-rhen-sa-the-other-wife
https://bandera.inquirer.net/294400/raffy-tulfo-nagpaalam-na-sa-idol-in-action-at-frontline-pilipinas

Read more...