Joshua Garcia sa posibilidad na maging crush si Bella Poarch: Why not?

Joshua Garcia at Bella Porch

Joshua Garcia at Bella Porch

NAG-REACT na ang Kapamilya actor na si Joshua Garcia ukol sa pagkakaroon sa kanya ng crush ng Filipino-American singer na si Bella Poarch.

Ayon sa kanyang panayam sa TV Patrol nitong Huwebes, August 19, inamin niyang masaya siyang malaman na hinahangaan siya ng dalaga.

“She posted me before sa TikTok account niya then nag-comment ako don. Nakakataba lang din ng puso. Masaya ako na nagsu-support siya o humahanga sa akin,” pagkukwento ni Joshua.

Nang tanungin naman siya kung may crush rin siya sa dalaga, diretsahang sinagot naman ito ng binata.

“Tulad ng sabi ko, MJ, why not?” sey ni Joshua.

Inamin rin ng Kapamilya actor na madalas silang magkausap ni Bella online at binalak na rin nila noon na magkita.

“Yes, nagkakausap kami. Parang June yata magkikita kami pero hindi natuloy ‘yung Star Magic tour ko. Hindi ako nakasama. Tapos parang July yata pupunta siya pero hindi rin natuloy,” chika ni Joshua.

Aniya, talagang madalas ang kanilang pag-uusap at hindi lang basta “hi hello”.

“Hindi natin alam. Pero we’re very good friends. Magkaibigan kami ngayon. Yes, hindi lang ‘Hi, hello.’ May mga konting katanungan. Hinanap ko pa ‘yung mga English ko pero sabi niya nagta-Tagalog naman daw siya,” pagbabahagi ni Joshua.

Sa ngayon ay looking forward naman si Joshua na ma-meet ang TikTok star.

Mensahe niya kay Bella, “Thank you. Sana makita kita. Magpakita ka sa akin.”

Matatandaang nakapanayam rin ni MJ kamakailan si Bella kung saan inamin niya na isa nga sa mga crush niya sa industriya bukod kay Zach Tabudlo ay si Joshua Garcia.

Mukha rin namang matutuloy na ang naunsiyami nilang pagkikita lalo na’t nabanggit ni Bella na balak niyang umuwi ng Pilipinas sa Disyembre.

Related Chika:
Bella Poarch balak umuwi ng Pilipinas, inaming crush si Joshua Garcia

Joshua Garcia na-feature sa TikTok video ni Bella Poarch, sey ng netizens: May sumingit sa pila!

Bella Poarch hindi napigilan ang ‘pagkahumaling’ kay Joshua Garcia

Read more...