Yamyam Gucong, Fumiya Sankai muling nagkita makalipas ang halos 3 taon; bumalik sa PBB house

Fumiya Sankai at Yamyam Gucong

MAKALIPAS ang mahigit dalawang taon, muling nagkita ang mag-BFF at dating “Pinoy Big Brother” housemates na sina Yamyam Gucong at Fumiya Sankai.

Nagsimula ang closeness ng dalawa nang magkasama sa “PBB: Otso” na umere noong 2018 sa ABS-CBN kung saan si Yamyam ang itinanghal na Big Winner.

Sa kani-kanilang social media accounts, nag-post ang dalawang komedyante ng mga pictures na kuha sa kanilang reunion kabilang na ang photo nila sa harap ng Big Brother house.


“I’m really happy to see my spiritual brothers after 2 years,” ani Fumiya Sankai sa kanyang caption.

Gumawa naman ng vlog si Yamyam para idokumentaryo ang pagkikita nila ng kaibigan na bumisita muli sa Pilipinas mula sa Japan.

Nag-guest ang dalawang former “PBB” housemates sa PIE channel ng ABS-CBN kung saan muli nilang pinaligaya ang madlang pipol.

Narito ang mga nabasa naming comments sa reunion nina Yamyam at Fumiya.

“Happy to see you FUMIYAM WE love you both.”

“Yeyyyy! WELCOMEBACK FUMIYAM!!!”

“We are hapi together again..FUMIYAM lng sakalam.”

“Welcome back fumi! Happy to see you guys together again. enjoy and be safe.”

“Yeah it’s really true and yes enjoy the outside world again fumiyam.”

“Yes friendship is everything kya kayong dalawa love and take care to the princess of team layf the one and only LOU YANONG.”

Matatandaan na umuwi ng Japan si Fumiya noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic. Doon, gumawa rin ng sariling pangalan ang comedian sa pamamagitan ng kanyang YouTube vlogs at ilang TV show sa Japan.

Sa pagpasok naman ng 2022, ibinandera ni Yamyam at ng kanyang fiancée na si Elaine Toradio na isinilang na ang kanilang panganay na anak.

https://bandera.inquirer.net/304662/yamyam-gucong-may-pa-baby-reveal-coming-princess
https://bandera.inquirer.net/296024/pbb-big-winner-yamyam-gucong-engaged-na-sa-longtime-dyowa

https://bandera.inquirer.net/300088/pbb-otso-big-winner-yamyam-gucong-magiging-daddy-na

Read more...