MARAMI sa mga netizens ang curious kung sino nga ba ang pinariringgan ng Unkabogable Star na si Vice Ganda sa social media.
Nag-post kasi ito sa kanyang Facebook page nitong August 17 ng gabi kung saan tila may pinapatulog siyang “Marites”.
“Tulog ka na. Wag ka nang magpuyat para naman fumresh ka,” saad ni Vice Ganda.
Dagdag pa nito, “Lalo na kung ang pinagkakapuyatan mo lang naman ay ang pakikialam sa buhay ng iba.”
Umani naman ng iba’t-ibang reaksyon mula sa madlang pipol ang naturang post ni Vice.
“Ganun talaga sila mamsh pag di sila masaya sa layp nila, pinagkakaabalahan buhay ng iba,” comment ng isang netizen.
Saad naman ng isa, “Tulog na yon meme Vice. Maaga natutulog mga matatanda.”
“Hahahaha pag hobby na talaga Di na maalis Yan, nakasanayan na ng katawan na makielam sa buhay ng may buhay pero sarili nilang buhay galit na galit Naman pag pinakekeelaman, whooo!! Sarap tirisin ihh,” hirit pa ng isa.
Makikita naman sa mga comments ng netizens sa FBpost ni Vice ang pangalan ng kolumnistang si Cristy Fermin.
Pakiramdam ng mga ito ay ang kolumnista ang pinatutungkulan ng “It’s Showtime host kahit na wala naman itong binabanggit na pangalan.
Matatandaang lately ay usap-usapan sa social media sina Vice Ganda at asawa nitong si Ion Perez dahil sa chikang diumano’y hiwalay na raw sila.
Ito ay nagsimula nang magsalita si Nay Cristy sa kanyang YouTube vlog kung saan madalas raw ang paglabas ni Vice kasama ang mga dating kaibigan.
“May mga ka-chika tayo na nagsasabi na madalas daw lumalabas ngayon si Vice at hinahanap ‘yung mga dati niyang barkada. Palatandaan nila ‘yon, kapag ganyan daw si Vice na dumadalaw sa mga dating komedyanteng kasamahan, may bitbit na problema,” sey ng kolumnista.
Samantala, nilinaw naman na ng komedyante ang issue at pinabulaanan na hiwalay na sila ni Ion.
“Masaya kami, huwag kayong gumagawa ng… mga tsismosa kayo! Hiwalay na daw kami ni Ion. ‘Tong mga damonyong ‘to. Hoy, mga damonyo!” sey ni Vice sa nagdaang episode ng “It’s Showtime”.
Related Chika:
Vice umaming pumurol sa pagpapatawa: Ito ‘yung effect sa akin ng ‘pagkakakulong’ ko