HANGGANG ngayon ay hindi pa rin masagot ni Angelica Panganiban ang tanong kung handang-handa na ba siyang maging nanay?
Ilang linggo na lang ay manganganak na ang Kapamilya actress sa kanyang panganay at inamin niyang may mga araw na feeling niya ay hindi pa siya ready na maging mommy.
“Hindi ko talaga alam kung handa na ba ako,” ang pahayag ni Angelica nang makachikahan ang kaibigan at celebrity mom na si Camille Prats sa latest vlog nito sa YouTube.
Pagpapatuloy ni Angge, “Bumuo kami ng baby mga one year until na-bless talaga kaming mangyari na siya, ‘di ba?
“Nu’ng nangyari na siya, akala mo prepared ka. Totoo pala talaga ‘yung sinasabi ng lahat na akala mo prepared ka pero hindi,” dugtong ng aktres.
Ayon pa kay Angelica, naloloka nga raw siya sa pabagu-bago ng kanyang emosyon lalo na noong mga unang buwan ng pagdadalang-tao niya.
“Nakakabaliw siya. May mga nights or days na umiiyak na lang ako. Minsan masaya ‘yung iyak, minsan talagang ‘Ginagawa ko naman lahat, bakit ang hirap?’” rebelasyon pa ng aktres.
Tanong ni Camille, ano ang ginagawa niya kapag nakakaramdam siya ng mga ganu’ng klaseng emosyon at kung paano niya ito hina-handle.
“Alam ko naman na lilipas din siya. Hinahayaan ko naman ‘yung emotions ko na mag-come and go, but I don’t serve them tea. Huwag mong patambayin ‘yung emosyon, huwag kayo mag-inuman,” natatawa pang chika ng future mommy.
Kaya naman abot-langit ang pasasalamat niya sa kanyang boyfriend na si Gregg Homan, ang tatay ng kanyang magiging panganay.
“Sobrang supportive naman niya. Nandiyan lang siya. Lagi siyang nagtatanong kung ano ang magagawa niya para gumaan ang pakiramdam ko,” sey pa ng Kapamilya star.
Patuloy pa niyang chika tungkol sa ginagawa niyang paghahanda sa nalalapit niyang panganganak, “Lahat ng mga kayang i-prepare, prinepare ko na. Sa meditation, every morning na lang yata akong umiiyak. Pina-pacify ko ‘yung sarili ko na kaya mo iyan.”
Noong Marso in-announce nina Angelica at Gregg na magiging parents na sila. Sey ng aktres sa kanyang Instagram post, “Sa wakas! Magagampanan ko na rin ang pinakahihintay, at pinaka-importanteng papel ng buhay ko. Magiging ganap na INA na po ako.”
https://bandera.inquirer.net/309547/angelica-nahirapan-sa-unang-3-buwan-ng-pagbubuntis-susuka-iiyak-tatawa-mainit-ang-ulo-para-akong-kinikiliti
https://bandera.inquirer.net/300253/angelica-sa-mga-babaeng-iniwan-mahalin-ang-sarili-at-dapat-alam-nyo-ang-mga-karapatan-nyo
https://bandera.inquirer.net/320105/angelica-hindi-na-kumuha-ng-kasambahay-natuto-akong-maglaba-at-maglinis-habang-nagluluto