Ruru Madrid, Dakila marami pang pasabog, pasorpresa sa ‘Lolong’; audition para sa ‘The Clash’ season 5 umariba na

Ruru Madrid at Dakila

LALO pang gumaganda ang kuwento ng “Lolong” kaya naman parami pa nang parami ang tumututok dito gabi-gabi.

Nitong Lunes nga ay talaga namang humataw sa ratings ang seryeng pinagbibidahan ni Ruru Madrid kahit na may bago pa itong katapat na programa.

Umabot sa 17.3 percent ang combined NUTAM people rating ng Lolong noong Lunes (August 15) base sa overnight data ng Nielsen Phils. TAM. Malayo ito sa 10.5 percent combined people rating na nakuha naman ng katapat nitong serye.

At marami pang kaabang-abang na mga eksenang dapat tutukan gabi-gabi sa “Lolong” lalo pa’t magpaparamdam na ang mga Atubaw laban sa pang-aapi ng mga Banson.

Kilalanin din ang mga bagong karakter na ipakikilala sa “Lolong” sa bagong yugto nito tulad nina Vin Abrenica, Thea Tolentino, Alma Concepcion, Rafael Rosell at Lucho Ayala.

Anu-ano kaya ang gagampanan nila sa buhay ni Lolong? Siyempre pa, mas marami ring dapat abangan sa karakter nina Shaira Diaz, Arra San Agustin, Christopher de Leon, Jean Garcia, Bembol Roco, Malou de Guzman, Rochelle Pangilinan at Paul Salas.


Ngayon ngang balik-Pinas na si Ruru, expect na mas marami pang paandar ang programa. Nitong weekend ay nagtungo sa Cebu ang Kapuso aktor kasama ang leading lady na si Shaira para sa isang Kapuso Mall Show.

Magiging bahagi rin ang Lolong sa Kadayawan Festival sa Davao sa weekend. Ang bestfriend naman ni Lolong na si Dakila, game na game rin sa pag-iikot sa buong bansa.

Nagkaroon pa sila ng bonding ni Lolong nitong Lunes kung saan sumakay sila sa isang ultra light plane at lumipad sa ere. Saan kaya ang susunod na #DaksSpotted?

Mapapanood ang “Lolong” mula Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng “24 Oras”, sa GMA at GTV.

* * *

Attention, Clash Nation! The search is on para sa next singing sensation sa fifth season ng original reality singing competition ng GMA na “The Clash.”

Nagsimula na ang online auditions noong August 7 para sa lahat ng Filipinong may edad 16 pataas at may natatanging galing sa pag-awit.

Maaaring mag-submit ng audition video sa pamamagitan ng audition form or QR code na matatagpuan sa kanilang official social media accounts.

Lahat ng interesadong sumali ay kailangan lamang mag-upload ng video na naglalaman ng kanilang self-introduction, isang Tagalog song, at isang English song.

Maaaring kumanta ng acapella o may kasamang live instrument. Pinapakiusapan din ang lahat na iwasan gumamit ng voice effects or enhancements sa kanilang mga video.

Siguraduhing nakatutok sa official social media accounts ng The Clash para sa mga susunod pang detalye.

https://bandera.inquirer.net/316466/ruru-madrid-emosyonal-sa-presscon-ng-lolong-muntik-nang-sumuko-napilay-ako-napako-lahat-po-pinagdaanan-namin-dito

https://bandera.inquirer.net/306139/ruru-madrid-hindi-nagpa-double-sa-lolong-lahat-ng-buwis-buhay-stunts-ako-ang-gumawa

https://bandera.inquirer.net/317721/boyet-de-leon-game-na-game-pa-ring-mag-aksyon-sa-edad-na-65-hindi-nagpa-double-sa-lolong

Read more...