SA kabila ng super busy schedule niya bilang wifey, mommy at negosyante, naisingit pa rin ni Neri Naig-Miranda ang pagkuha ng masteral degree na magsisimula na ngayong buwan.
Talagang pinatutunayan ng actress-entrepeneur sa buong universe ang pagiging wais na misis at idol ng mga kababaihan pagdating sa diskarte at kasipagan sa buhay.
Matapos ngang maka-graduate sa kursong Business Administration sa University of Baguio nito lamang nagdaang June 29, itotodo na ito ng asawa ni Chito Miranda sa pamamagitan ng pagkuha ng masteral degree sa business administration (MBA).
Natapos ni Neri ang kanyang bachelor’s degree sa pamamagitan ng Baguio University’s Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP) na sinimulan niya last year.
At nito ngang August 16, ibinandera ng celebrity mom sa publiko na sisimulan naman niya ang kanyang graduate school journey bago matapos ang 2022.
Sa Instagram, nag-post si Neri ng kanyang litrato na nasa harapan ng kanyang laptop at nilagyan ng caption na, “Orientation day for my MBA class!
“Good luck sa akin kung kayanin ko ang masteral, hihi!
“Why MBA? Because why not?! Never stop learning. Sabi nga nila, ‘When you push yourself beyond limits, you discover inner reserves, which you never thought existed earlier. Let your dreams push you…instead of your fears,’” pahayag ng aktres.
Pinaalalahanan din niya ang lahat ng mga kapwa ina at working moms na huwag matakot sumubok sa mga bagong bagay na nais gawin o marating pa sa buhay.
“Kaya push lang ng push para sa self-improvement. Kaya natin ‘to! Kakayanin pa lalo! It is never too late.
“Gusto mong ipagpatuloy ang pag-aaral mo kahit nanay ka na? Go lang!! Number 1 cheerer mo ako! Kaya mo yan, mommy!” aniya pa.
Bukos nga sa pagiging asawa at nanay sa dalawang anak, napakarami ring inaasikasong negosyo ni Neri kabilang na ang mga food business nila sa Tagaytay City at Baguio City.
https://bandera.inquirer.net/290192/chito-muling-pinuri-ang-asawa-napakaganda-ni-neri-medyo-weird-pero-sobrang-bait
https://bandera.inquirer.net/296849/neri-natuwa-sa-hes-into-her-may-pasabog-tungkol-kina-chito-at-donny
https://bandera.inquirer.net/309834/hugot-ni-neri-para-kay-chito-wala-talagang-bilib-tong-asawa-ko-sa-akin-kontra-bulate-na-naman