PUMANAW na ang puppeteer na si Danilo “Totong” Federez, ang nagbibigay-boses sa sikat na Kapuso puppet na si Arn-arn.
Ayon sa ulat, sumakabilang-buhay si Totong kaninang madaling-araw sa kanilang tahanan. Siya ay 62 years old.
Ibinahagi ng Kapuso TV host at news anchor na si Arnold Clavio ang malungkot na balita sa kanilang morning program na “Unang Hirit” sa GMA 7.
Aniya, “Sa pagkakataong ito, medyo nabigla kaming lahat at nakikiramay po kami kay Maris, ang naulila po ni Totong Federez.
“Hindi niyo alam si Totong po ay nagpasaya sa inyo sa napakaraming taon dito sa ‘Unang Hirit.’ Si Totong po ay nasa likod ni Arn-arn,” dugtong na pahayag ni Igan.
Pinasalamatan din niya si Totong sa lahat ng iniwan nitong magagandang alaala noong magkakasama pa sila bilang kaibigan, katrabaho at higit lahat ang pinagsamahan nila bilang si Arn-arn.
“Sa lahat po ng napasaya ni Totong, maraming salamat. Kami rin dito, salamat. Rest in peace and may God bless your soul. Totong, saludo,” mensahe pa ni Arnold.
Samantala, sa isa namang Facebook post, nagbigay din ng mensahe ang asawa ni Totong na si Maris. Aniya, “I love you, daddy. In God’s grace we’ll see each other again. Salamat sa Dios.”
Kung matatandaan, sumikat ang puppet na si Arn-arn bilang sidekick at ka-buddy ni Igan sa mga segments ng “Unang Hirit” pati na rin sa coverage ng mga political and special events.
Sa isang episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho,” noong 2019, nai-feature ang buhay ni Totong kung saan tumanggap siya ng mga papuri mula sa hosts ng “Unang Hirit”.
Nabatid na bigla na lamang nahinto ang paglabas ni Arn-arn sa programa matapos itong magkasakit noong 2017. Balitang na-stroke si Totong at naapektuhan ang kanyang pagsasalita at paglalakad.
https://bandera.inquirer.net/302559/arnold-clavio-nahawa-pa-rin-ng-covid-19-kahit-super-tindi-na-ang-ginagawang-pag-iingat
https://bandera.inquirer.net/308266/herlene-budol-bidang-bida-na-sa-ang-babae-sa-likod-ng-face-mask-kit-thompson-naluha-sa-presscon
https://bandera.inquirer.net/300521/yassi-pressman-rumesbak-sa-body-shamers-umaming-tumaba-love-yourself