Sharon humiling na ipagdasal ang kaibigang na-stroke: ‘Hindi ko na kaya, I’m still in pieces over losing Cherie…please pray’

Sharon Cuneta

HINDI pa halos nakaka-recover si Sharon Cuneta sa pagkawala ng pinakamamahal niyang si Cherie Gil ay heto’t muli siyang nanawagan ng panalangin para sa kaibigang hindi binanggit ang pangalan.

Bukod dito ay humiling din ang Megastar na ipagdasal siya na sana’y makayanan niya lahat ng pagsubok na dumarating sa kanya para sa mga taong mahal niya.

Kaninang madaling araw ay nag-post si Sharon sa kanyang social media accounts ng art card na may nakalagay na “Prayer for the sick your healing prayer.”

Ang caption ni Shawie, “Family and friends…after Tita Fanny passed away, I was very, very afraid for Cherie and this one other friend who is also sick and who also means the world to me…I just found out that she is in the ICU now because of a ‘silent stroke.’


“Please, please pray with me for her healing…Lord kahit a few more years na lang po idagdag Niyo please sa buhay niya…Hindi ko na kaya. I am still in pieces over losing Cherie…Hindi ko na kaya. Please pray.

“My faith is wavering and I don’t want it to be…But this is just too much too soon…Wala nang pahinga ang puso ko sa sakit. Please, please pray for me…More than that, please pray for my friend. Thank you so much and please take care of yourselves. (praying hands and hearts emoji),” sabi pa ni Mega.

Isa pang kahilingang panalangin ay para sa pamangking edad 25, “For my niece, “Bam,” I ask for all your prayers too…She is only 25…and I do not understand why she has cancer…

“She is a loving, happy, good girl whom we all love so much…Please, please be our prayer warriors and help us pray for her healing too…Maraming salamat po (praying hands and hearts emoji),” aniya pa.

https://bandera.inquirer.net/309997/tatay-ni-catriona-maayos-na-ang-kundisyon-my-dad-is-the-strongest-person-i-know-my-real-life-hero
https://bandera.inquirer.net/280337/angeli-valenciano-tinamaan-ng-covid-humiling-ng-dasal-para-kay-gary-2-empleyado

https://bandera.inquirer.net/289327/nanay-ni-hidilyn-walang-ginawa-kundi-magdasal-habang-lumalaban-ang-anak-sobra-sobrang-kaba

Read more...