Anak ni Cherie Gil kinastigo ng netizens nang um-attend ng party habang nagluluksa ang pamilya

Cherie Gil at Bianca Rogoff

MATAPANG na binuweltahan ni Bianca Rogoff ang mga bashers na kumastigo at kumuwestiyon sa pagdalo niya sa isang party kahit kamamatay lang ng nanay niyang si Cherie Gil.

Hindi nagustuhan ng ilang netizens ang pag-attend ng dalaga sa naturang okasyon habang nagluluksa pa ang kanilang pamilya.

Sa mga hindi pa masyadong aware, sina Bianca at Raphael Rogoff, ay mga anak ni Cherie sa dating asawang si Rony Rogoff na isang kilalang Israeli violinist na naninirahan ngayon sa Amerika.

Nitong mga nakaraang buwan, sa US na naglagi ang award-winning actress matapos ma-diagnose ng cancer hanggang sa binawian na nga ng buhay.


Nito nga lang nakaraang araw, nakatanggap ng pambabatikos si Bianca mula sa netizens dahil sa pag-attend nito sa party. Comment ng isang basher, “Your mom just passed away and your in a party now?”
Sinagot ito ng anak ni Cherie sa pamamagitan ng direct message na ipinost din niya sa kanyang Instagram Story.

“Absolutely…if you knew her, she’d be the first one to tell anyone to live their life adventurously and joyfully.

“Life is sacred and should be valued and honored, and most importantly, lived,” simulang pahayag ng dalaga.

Patuloy pa niyang pagtatanggol sa sarili, “I am grieving and that is similarly sacred—but it is not my job to show you that.

“I love my mother and am allowed to grieve as publicly or privately as I wish. I am not here to perform for those who chose to follow me,” aniya pa.

Sa huling bahagi ng kanyang direct message sa netizen, nagbigay din si Bianca ng payo sa iba pang nangnenega sa kanya dahil sa pagdalo niya sa party kahit kamamatay lamang ng inang aktres.

“If you’d like to unfollow me, please feel free. I will keep enjoying the life my mother gave and granted me,” mariing sabi ni Bianca.

Kasunod nito, ibinahagi rin ni Bianca ang screenshot ng kanyang post at nilagyan ng caption na, “I will not be answering or justifying all the messages in my inbox so please consider this an overall statement for now.”

Samantala, balitang na-cremate na ang labi ni Cherie sa Amerika at inaasahang iuuwi ito ng kanyang pamilya sa Pilipinas at dadalhin sa farm nito sa Bukidnon.

https://bandera.inquirer.net/320824/cherie-gil-na-diagnose-ng-rare-form-of-endometrial-cancer-she-fought-bravely-against-her-illness-with-grace-and-strength
https://bandera.inquirer.net/320666/cherie-gil-pumanaw-na-sa-edad-na-59

https://bandera.inquirer.net/321070/sharon-wasak-na-wasak-pa-rin-sa-pagpanaw-ni-cherie-gil-love-you-forever-and-ever-and-ever-and-ever

Read more...