Herlene na-hurt sa pang-ookray noon ng ex-beauty queen: Siyempre buong pagkatao ko iyon, pati nanay ko dinamay pa niya

Alexandra Abdon at Herlene Budol

“SIGURO para lang din po ma-realize ng ibang tao na kung sino yung ibinababa, itinataas ng Panginoon.”

Yan ang sagot ni Herlene Budol sa tanong tungkol sa muling pagbuhay sa isyu nila noon ni Miss Manila Alexandra Abdon na naging kandidata sa Binibining Pilipinas 2020.

Matapos kasing manalo si Herlene bilang 1st runner-up sa nasabing national pageant this year, naglabasan muli ang mga video kung saan inokray-okray niya si Herlene.

Nais sigurong ipamukha ng mga supporters ng komedyana na maling-mali ang pinagsasabi noon ni Alexandra laban kay Herlene.

Nangyari ito sa isang episode ng “Wowowin” ni Willie Revillame noong December, 2020 kung saan nagpatalbugan sina Herlene at Alexandra sa “talakan.”

Dito, pinuntirya ni Alexandra ang pagiging “squammy” at “iskwater” ni Hipon Girl. Aniya pa, “Kahit magpa-pageant ang nanay ni Hipon sa bahay nila, hindi siya qualified. Yung standards, yung qualification, medyo tagilid tayo du’n.”

Inamin noon ng dalaga na nasaktan siya sa mga sinabi ni Miss Manila at iniyakan din niya ito. At kasunod nga nito na-bash nang bonggang-bongga ang beauty queen.

Pagdepensa ni Alexandria, “scripted” daw ang kanyang mga dialogue at napag-utusan lang siya kung ano ang mga sasabihin sa “Wowowin.”

After this, muling pinagsama sa show ni Willie ang dalawa at doon ay nagkabati nga sila at nagkaroon pa ng ilang collab sa kanilang mga vlog.

At sa bagong vlog nga ni Karen Davila, natanong ang komedyana kung napatawad na niya si Alexandra.
Sagot ni Herlen, “Wala naman po akong sama ng loob sa kanya kasi dati nagkaayos na po kami. Two years ago na po yung isyu na iyon, parang binabalik-balikan pa po nila.”

“Sinabi niya po na scripted, pero sa part ko po kasi, hindi ako nasabihan na scripted, e. So, baka sana tinropa na lang niya ako, baka mas naging magandang tandem pa kami.

“Nasaktan po ako, siyempre buong pagkatao ko iyon sinabi niyang… pati nanay ko dinamay niya pa, e,” aniya pa.

Mensahe pa niya, “Siguro Diyos na rin yung nagplano ng buhay ko kaya siguro dinala ako dito. Kasi nung time naman po na iyon, wala naman akong balak (mag-pageant], e.

“So, siguro para lang din po ma-realize ng ibang tao na kung sino yung ibinababa, itinataas ng Panginoon,” aniya pa.

Bukas ang BANDERA sa magiging reaksyon ni Miss Manila hinggil sa rebelasyon ni Herlene.

https://bandera.inquirer.net/320496/miss-manila-alexandra-abdon-wanted-sa-fans-ni-bb-pilipinas-1st-runner-up-herlene-budol-ano-ka-ngayon

https://bandera.inquirer.net/312078/miss-manila-2020-muling-binanatan-ng-netizens-sa-panlalait-kay-herlene-budol-dahil-sa-lumang-video-ng-wowowin

https://bandera.inquirer.net/294605/beauty-queen-mula-sa-olongapo-unang-pinay-na-nagwaging-miss-aura-international-2021

Read more...