SA halip na bouquet of flowers, bouquet of receipts ang ibinandera ng isang estudyanteng nagtapos sa kolehiyo nitong nagdaang July 20 sa kanyang graduation day.
Viral ngayon sa social media si Jechel Fillone dahil sa paandar na litratong ipinost niya sa Facebook kung saan hawak-hawak niya ang bungkos ng resibo na korteng bulaklak.
Si Jechel ay nag-graduate sa University of Antique sa kursong Bachelor in Secondary Education Major in English.
Ayon sa dalaga, ang mga resibong naipon niya sa loob ng apat na taon ay mula sa remittance center kung saan nagpapadala ng pera ang dalawa niyang kapatid para sa kanyang pag-aaral.
Umabot sa P85,100 ang perang ipinadala ng kanya ng mga kapatid mula 2018 hanggang 2022. Ayon kay Jechel, ang pag-iipon sa mga resibo at gawing “bouquet” ang naisip niyang paraan para iparamdam sa mga kapatid ang kanyang pasasalamat.
Naisip din daw niya na gamitin na lang ang budget niya sa bouquet of flowers sa kanyang toga at pagpapa-make-up sa kanyang graduation day.
Kuwento ni Jechel sa mga naranasang pagsubok habang nag-aaral, “I went to UA under the scorching heat of the sun with an empty stomach because I have no money to pay my fare and to buy myself something to eat.”
“I learned to appreciate any amount that my siblings would give me because, after all, money was not easy to find,” sabi pa niya.
Nangako rin si Jechel sa kanyang mga kapatid na gagawin niya ang lahat para masuklian ang lahat ng kabutihan at pagtitiwala ng mga ito sa kanya.
https://bandera.inquirer.net/317152/estudyanteng-hindi-pinagmartsa-sa-graduation-ayaw-pang-makipag-usap-sa-school-president-i-felt-robbed-its-traumatizing
https://bandera.inquirer.net/318956/herlene-budol-proud-na-ibinandera-ang-pag-graduate-sa-college-inialay-ang-diploma-sa-yumaong-lola
https://bandera.inquirer.net/314598/piolo-sam-muling-magsasama-para-mapasaya-ang-mga-pinoy-sa-us-fans-may-hiling-kay-papa-p
https://bandera.inquirer.net/317561/big-deal-para-kay-jc-de-vera-ang-mapasama-sa-cast-ng-flower-of-evil-may-2-pelikula-pa-kasama-sina-janine-at-alex