ANG bongga ng bagong vlog ni Slater Young tungkol sa paggamit ng solar panel na matagal nang nire-request ng kanyang subscribers sa YouTube.
Ayon sa isa sa mga naging Big Winner ng Kapamilya reality show na “Pinoy Big Brother”, marami talaga ang nagtatanong sa kanya about solar panels.
Isa sa mga nabanggit ni Slater ay ang proper maintenance na kailangan sa mga SP. Sa ngayon daw may 41 solar panels sa bahay nila ang content creator at engineer pero low maintenance lang daw ang mga ito.
“Well, itong mga solar panels na ‘to they degrade about one percent of its efficiency every year. So sabihin natin they are running 100 percent right now, 20 years from now dun na lang sila sa 80 percent.
“But for me that is not a very big deal because when the time comes, dagdagan lang natin ng more solar panels. Maintenance wise, you just essentially just have to make sure that they are clean and nothing else from that. So a solar setup is typically very, very low maintenance,” ang simulang pagse-share ni Slater sa kanyang subscribers.
Sa tanong kung safe ba ang mga ito kapag may bagyo, “Number one talaga, kaya ng framing ng bahay natin. You have to ask your structural engineering that.
“But from talking to our solar installer sabi nila most of the houses kaya naman and ito ‘yung ginawa nila to make sure it stays in place, we have aluminum racks and these are not bolted down to the roofing sheets but these are bolted down to the frame of your house so this is going to be sturdy because kumakapit siya sa buong frame ng ating bahay. All the way there naka-frame talaga ‘to,” paliwanag ng dating aktor.
Pagpapatuloy pa niya, “Anong savings namin during the last month? Pakita ko na sa inyo ‘yung bill namin at ano ‘yung ginastos namin last month.
“Now we didn’t get exactly to zero because hindi pa kami nakapag-net metering. Itong net metering, for example on a very hot day like this, nago-overproduction ‘yung solar panel natin.
“Well you can apply to your power provider and ‘yung excess pwede nating ibenta sa kanila and they will deduct that excess from your bill,” kuwento ng celebrity vlogger.
Dugtong pa niya, “Typically they buy it 50 percent the usual rate pero it helps a lot when it comes to this na paminsan-minsan sobra-sobra kami sa kuryente during bright sunny days pero kailangan din namin ng grid power during cloudy days so magba-balance out siya so hopefully we can get to close to zero as possible if ever ma-approve na ‘yung net metering application namin.”
“Ito ‘yung electric bill namin for the last three months. June we were spending about P17,000, P21,000 two months ago and nu’ng April, we were spending P19,000, so average about P19,000 to P20,000. ‘Yung expenditures namin every month and itong sa July makikita natin that we’re spending only P3,700 so that’s a saving of P16,000 per month,” lahad pa niya.
Sey pa ni Slater, umabot sa P2 million ang nagastos nila sa solar power setup, “This one ‘yung priority talaga namin is to have clean energy throughout the home meaning we don’t have an environmental impact.
“Imagine we are running the aircon right now and ‘yung mga anak ko are also using their ACs in their rooms and it is all coming from the sun. Wala tayong environmental impact using this and that is our number one priority,” dagdag pa ng content creator.
https://bandera.inquirer.net/280834/slater-young-nabiktima-na-rin-ng-akyat-bahay-nagbigay-ng-home-security-tips
https://bandera.inquirer.net/298613/kryz-uy-slater-young-magkaka-baby-no-2-na
https://bandera.inquirer.net/301013/slater-young-kryz-uy-nasalanta-ng-bagyong-odette-nanawagan-ng-karagdagang-tulong