Billy maluha-luha nang bumisita sa dating opisina ni Kuya Germs sa GMA: Parang hindi pa rin nawawala ‘yung spirit niya…

German Moreno at Billy Crawford

PERSONAL na binisita ni Billy Crawford ang opisina ng kanyang mentor at tatay-tatayan sa showbiz na si German “Kuya Germs” Moreno sa GMA 7 building kamakailan.

Very soon, after almost 20 years ay mapapanood na muli ang singe-dancer at aktor sa Kapuso Network bilang host ng nakaaaliw na reality game show na “The Wall Philippines”

Nagpasalamat si Billy sa mga taga-GMA na siyang naatasang bantayan at ingatan ang mga gamit at memorabilya ni Kuya Germs sa dati nitong opisina.

Matatagpuan sa dating office ng TV at movie icon ang kanyang mga tropeyo at ang kanyang iconic sequin vest na nakalagay pa ngayon sa isang vitrine.

“Nakakataba ng puso at nakakalungkot in the same sense kasi nakita ko rin ‘yung sa staff ni Kuya Germs before, and even sa bosses dito sa GMA, ay nu’ng nakausap ko they were still teary-eyed.


“Maluha-luha pa rin because when you are there sa presence ni Kuya Germs kasi, lahat ng generosity, lahat ng puso, lahat ng aral sa tarabahong ito ay matutunan mo kasi isang malaking (personality) ang nawala nu’ng nawala si Kuya Germs,” pahayag ng mister ni Coleen Garcia sa panayam ng GMA Network.

“So, nakakaiyak and nakakalungkot kasi na-realize ko rin na, eto, this is the first time in 20 years. Well, actually, this is the first time na tumapak ako sa GMA nang wala physically si Kuya Germs,” dugtong ni Billy.

“Lagi ‘yan kung mag-guest man ako dito or kahit hindi ako guest, magmi-meet kami, si Kuya Germs ay nandito, may opisina siya, nandito siya palagi even mag-SOP ako or The Move or whatnot basta may guesting ako dito mismo sa GMA, nandito si Kuya Germs and ito ‘yung first time na wala siya physically, so it was a different experience,” saad pa ng TV host.

Lahad pa ni Billy sa interview ng GMA, “Doon ko na-realize sa taas, ‘Teka, oo nga ‘no, wala kong tatay na escort dito ngayon.’ So, it was an eye-opener pero nakakaaliw lang na nandoon pa rin ‘yung sequin vest niya tsaka ‘yung jacket niya.

“So, parang hindi pa rin nawawala yung presence ni Kuya Germs dito, ‘yung spirit niya talaga ‘yung kasiyahan niya, at ‘yung mga payo niya,” dagdag pang pahayag ni Billy.

Ngayong buwan na mapapanood sa GMA ang “The Wall Philippines” kaya abangan!

https://bandera.inquirer.net/316526/sey-daw-ni-kuya-germs-kay-andrew-e-nang-mag-audition-sa-thats-entertainment-ok-thank-you-next

https://bandera.inquirer.net/319250/billy-crawford-hindi-pa-rin-nakakausap-sina-vice-ganda-at-anne-curtis-matapos-lumipat-sa-tv5

https://bandera.inquirer.net/319093/billy-pumapasok-noon-sa-its-showtime-nang-lasing-muntik-nang-hindi-matuloy-ang-kasal-nila-ni-coleen

Read more...