Pandemic hugot ni Marian: Wake-up call ito sa ating lahat para pahalagahan ang pamilya at kalusugan nila

Dingdong Dantes, Marian Rivera, Zia at Ziggy Dantes

MAY dalawang bagay na pasok sa top priority ngayon ng Kapuso Primetime Queen at celebrity mom na si Marian Rivera.

Kuwento ng misis ni Dingdong Dantes, kung may mga mahahalagang life lesson na natutunan siya ngayong panahon ng pandemya, yan ay walang iba kundi ang pagpapahalaga sa pamilya at ang kalusugan ng mga mahal niya sa buhay.

Sabi ng TV host-actress, nang dahil sa COVID-19 pandemic natutunan niyang unahin ang mga bagay na dapat bigyang halaga hindi lamang para sa kanyang pamilya kundi para na rin sa iba pa niyang mga mahal sa buhay.


“It made me realize the value of relationships. Sa relationships natin, minsan we take for granted ‘yung mga taong mahalaga at malapit sa atin.

“Sa sobrang busy natin, iniisip natin na nandiyan lang sila, okay lang sila, safe sila, kumakain sila roon. The pandemic made me see na dapat focus tayo sa kanila.

“We keep thinking about the future na hindi pala natin alam kung sa future na iyan nariyan pa sila o nandiyan ka pa sa future na iyon. Better talaga na pahalagahan mo talaga ‘yung mga taong nandiyan para sa iyo, lalo na ang family mo,” ang pahayag ni Marian sa panayam ng Cosmopolitan.

Pagpapatuloy pa ng wifey ni Dingdong, “Before, parang, okay lang, bahala na, but when the pandemic started, naging mas aware tayo na we should take care of ourselves. You have to take measures to protect yourself at ang family mo.”

“Ang daming nabigay na realization itong pandemic na ito, na baka wake-up call sa ating lahat na pahalagahan natin kung ano ‘yun nandiyan at kung ano ba talaga ‘yung mahalaga, which is your family and your health,” sey pa ni Marian sa nasabing panayam.

https://bandera.inquirer.net/315350/promise-ni-dingdong-kay-marian-sa-gitna-ng-mga-isyu-ng-hiwalayan-sa-showbiz-forever-and-ever-amen

https://bandera.inquirer.net/302288/andrea-nagpa-therapy-agad-kontra-anxiety-pero-hindi-naman-talaga-ako-kinain-ng-kadiliman

https://bandera.inquirer.net/300757/vice-sa-pagkatalo-ni-beatrice-sa-miss-u-panalo-pa-rin-ang-pelepins-dahil-pinakamaganda-si-marian

Read more...