SA edad na 15 ay nakapagpundar na ng sarili niyang mga properties ang vlogger at online game streamer na si Jiji.
Maraming manonood ang na-shock nang ibahagi ng bagets sa “Bawal Judgmental” segment ng “Eat Bulaga” ang kanyang mga bonggang achievements last Saturday, August 13.
Kuwento ni Jiji, dalawang taon na siyang content creator at isang taon bilang vlogger sa YouTube pero nakapagpatayo na raw siya ng sariling bahay.
Bukod sa kanyang YouTube na may mahigit 237,000 subscribers na, may four million friends na siya sa Facebook habang ang TikTok page naman niya ay may three million followers na.
Kahit ang mga Dabarkads na nag-interview kay Jiji ay nagulat at napanganga sa mga achievements niya bilang content creator.Ani Jiji, napakahalaga raw ang suporta ng kanyang mga magulang kaya nakapagpatayo siya ng bahay.
“Ang page ko po ay Jiji Plays, isa po akong streamer, vlogger and also TikToker po. Since bata pa po kasi ako gusto ko ng sariling bahay, siyempre.
“Alam ko po ‘yung mga magulang ko todo support po sila sa akin, kaya siyempre, gusto ko po bawian sila ganu’n, kahit bata pa po ako,” pahayag ng bagets.
Sa tanong kung paano niya binabalanse o hinahati ang oras niya bilang estudyante at streamer-vlogger, ssgot ni Jiji, “Noong una nahihirapan po talaga ako na i-manage yung oras ko.
“Siyempre nandoon na ako sa point na kailangan kong pagsabayin ‘yung pag-aaral ko, tapos pag-i-stream at pagba-vlog.
“So, time discipline at time management lang talaga ang kailangan para magawa mo lahat ng gusto mo at nagpapasaya sa ‘yo.
“Yun din po ang turo sa akin nina Daddy at Mommy,” pahayag pa ni Jiji.
https://bandera.inquirer.net/303976/alodia-sa-pagiging-game-streamer-may-2-reasons-siguro-kung-bakit-ka-pinanonood
https://bandera.inquirer.net/321483/73-anyos-na-lolo-nakapagpatayo-ng-bahay-mula-sa-pagtitinda-ng-kendi-hindi-ko-sukat-akalain-parang-panaginip-lang
https://bandera.inquirer.net/320723/aktor-na-hindi-kalakihan-ang-talent-fee-nakapagpatayo-ng-bahay-sa-exclusive-subdivision