“AMID the changes in my life….he is my constant!”
Bahagi yan ng mensahe ni dating Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Dino para sa kanyang asawang si Ice Seguerra.
Nag-celebrate ng kanilang 14th anniversary ang celebrity couple kahapon at muli ngang ibinandera ni Liza ang kanyang pagmamahal kay Ice sa buong universe.
Nag-post ang aktres at former beauty queen ng mga litrato nila ni Ice sa Facebook kalakip ang madamdamin niyang anniversary message para sa asawa.
“Sa buhay, may kanya-kanya tayong paraan to cope with sudden changes happening in our lives. Yung iba, nagkukulong sa bahay, yung iba nagbabakasyon, yung iba tinutulog nila para lumipas ang oras.
“Ako…mas nagpapakabusy. Pinuno ko yung schedule ko ng lunch, dinners, appointments and errands in between para maka-cope.
“I needed to be productive. I needed to feel na yung oras ko, ginagamit ko sa mga kapaki-pakinabang na bagay,” simulang pagbabahagi ni Liza.
Patuloy pa niya, napakahirap para sa kanya na bigla na lamang titigil mula sa mga nakasanayan na niya noong nasa FDCP pa siya.
“After six years of being on the move, it was hard to suddenly stop. So I didn’t.
“At sa gitna ng lahat nito, ang asawa kong introvert ang bitbit ko sa mga bagay-bagay na ginagawa ko sa loob ng dalawang linggo.
“I know it was soooo hard to drag him out of bed pero willingly niyang ginawa ang lahat ng ito para iparamdam sa akin na nandiyan siya for me, always present na makasama ko as I find myself again and prepare for my next journey. Amid the changes in my life….he is my constant,” sabi pa ng wifey ni Ice.
Patuloy pa niya, “Alam kong walang bagay na hindi ko kayang malampasan dahil kahit mawala na ang lahat, nandyan ka. At si Amara.
“Sorry if di tayo magkasama sa Basilan ngayon. Next time promise, sama na ako.
“Happy 14th my love. Mahal na mahal kita! #liceforever!” ang pagbati pa ni Liza kay Ice.
Ito naman ang reply ng OPM icon at singer-songwriter sa napakahabang message ni Liza, “I love you so much, mahal koooo!!!!! Ayan, may mahaba ka na ulit na post sa akin.”
Bumuhos naman ang pagbati ng mga kaibigan ng celebrity couple sa social media in and out of showbiz.
https://bandera.inquirer.net/285427/liza-dino-gustong-gumawa-ng-pelikula-tungkol-sa-trans-family-ano-ba-yung-pinagdaraanan-namin
https://bandera.inquirer.net/316475/pangarap-ni-ice-seguerra-na-makapagdirek-natupad-na-sa-totoo-lang-akala-ko-hindi-na-magkakatotoo
https://bandera.inquirer.net/286170/beauty-ilang-araw-hindi-nakatulog-bago-nagdesisyong-maging-kapuso-nag-i-love-you-sa-bashers