Nanay ni Jo Koy kontra noon sa pagiging comedian ng anak: I just want my kids to have a job with permanent pay

Josie Harrison at Jo Koy

KNOWS n’yo ba na kontra pala ang nanay ng international artist-comedian na si Jo Koy sa pagpasok niya noon sa entertainment industry?

Ang tinutukoy namin ay si Josie Harrison, ang butihing Pinay na ina ni Jo Koy na palagi niyang nababanggit sa kanyang mga comedy skits.

Unang nakilala at sumikat ang Filipino-American na si Jo Koy o Joseph Glenn Herbert, Sr. sa tunay na buhay, sa Amerika dahil sa kanyang stand-up comedy shows na nang lumaon ay napapanood na rin sa iba pang bahagi ng mundo.

Siya rin ang bida sa bagong pelikulang “Easter Sunday” na may all-Asian cast mula sa produksyon ng Hollywood director and producer na si Steven Spielberg.

Sa panayam ng One Down (Filipino-American media agency sa Las Vegas, Nevada) sa nanay ng komedyante, inamin nitong hindi niya gusto nu’ng una ang trabaho  ng anak.

“I just want my kids to have a degree, I want them to have a job with permanent pay. I thought he was enrolled at UNLV (University of Nevada, Las Vegas), but I didn’t know he was pursuing comedy.

“I explained to him being a comedian is not for sure, because you have to have a show. That is only the time you will make money… which is, I think it turned out okay,” katwiran ni Josie.

Kaya naman abot-langit ang pasasalamat niya sa tinatamasang kasikatan at tagumpay ngayon ni Jo Koy, “Having Jo Koy, having his show is showing how Filipinos are and that’s really how we are.”


May paalala rin si Josie sa lahat ng Filipino na nasa iba’t ibang panig ng mundo, “When you see a Filipino up there, put a foundation underneath them, so they can still reach pedestal in life.

“Not just they are Filipinos, but they are human being[s]. They are people. You should be helping because they need your help at that time,” mensahe pa ng ina ni Jo Koy.

Nagbigay din siya ng payo sa mga kapwa biya magulang, “Be there for your children. Support them whatever they want, which I didn’t support Jo Koy at first.

“Because I didn’t trust the job, being a comedian, I think, for me, is very unpredictable. If you have the degree, anything on your disposal is something that will do good in the future,” aniya pa.

At tungkol naman sa bagong pelikula ni Jo Koy kasama ang iba pang Asian celebrities ito ang pahayag ni Josie sa panayam ng The Filipino Channel, “I’m so excited. It’s beyond explanation. Hindi ko malaman kung paano feeling ko ngayon, kung iiyak ako o matutuwa. Pero I am so proud of him.

“Hindi ko akalaing he will go up his way talaga. (Yung movie) It exemplifies how parents are, how families are, and I like this movie, it’s bringing out the culture of our being Filipinos.

“Sana tandaan ninyo kung merong Pilipinong nandoon na, kailangan itulak natin pataas, huwag natin pababain. Magtulungan tayo,” paalala pa niya.
https://bandera.inquirer.net/319121/jo-koy-chelsea-handler-naghiwalay-na-ni-record-na-1st-anniversary-video-inilabas-pa-rin

https://bandera.inquirer.net/290591/donnalyn-kinampihan-ng-anak-ng-lolang-namatay-wala-kang-kasalanan-at-hindi-ka-nagkulang
https://bandera.inquirer.net/290934/donnalyn-binasag-na-ang-pananahimik-umalma-sa-mga-akusasyon-ng-kapwa-vlogger

Read more...