Angelica, Camille hindi nagpaapekto sa showbiz rivalry: Alam namin kapag pinag-aaway kami at never kaming nagplastikan

Angelica Panganiban at Camille Prats

NEVER daw nangyari kinaCamille Prats at Angelica Panganiban ang magplastikan mula noong magsimula sila sa showbiz hanggang ngayon na meron na silang sari-sariling pamilya.

Kahit daw noong pinagsasabong at pinag-aaway sila ng mga fans habang tumatagal sila sa entertainment industry ay wala raw eksena na nag-away at nagplastikan sila nang bonggang-bongga.

Literal na sabay lumaki sa mundo ng showbiz sina Angelica at Camille dahil bata pa lang ay nagtatrabaho na sila at nagkasama pa sa ilang TV show at pelikula ng ABS-CBN at Star Cinema.

Sa latest vlog ni Camille, napagkuwentuhan at binalikan ng magkaibigan ang kanilang pagiging child star kung saan napag-usapan nga nila ang mga pelikula nilang “Sarah…Ang Munting Prinsesa” at “Ang Pulubi at ang Prinsesa” na ipinalabas noong dekada 90.


Ayon kay Angelica, hindi raw talaga siya ang gaganap na Becky sa “Sarah… Ang Munting Prinsesa”, “Naalala ko bumaba sa stairs noon ‘yung assistant director tapos nagtanong siya kung sino ang may alam ng mga lines ni Becky.

“Nagtaas naman ako ng kamay. Inakyat na nila ako ng attic kung nasaan ka, tapos ‘yung scene noon may sakit ka kunyari. ‘Inaapoy po ng lagnat si Sarah, Miss Minchin. Huwag n’yo po siya pagtrabahuhin.’ Ganun ‘yung eksena tapos biglang ako na si Becky,” pag-alala ng nagdadalang-taong aktres.

Sabi naman ni Camille, hinding-hindi niya makakalimutan ang shooting nila noon sa Baguio, lalo na ang mga bonding moments nila bilang mga bata.Sa isang bahagi ng vlog, inamin ng magkaibigan na mas gusto nila ang kuwento at tema ng pelikula nilang “Ang Pulubi at ang Prinsesa”.

“Mas paborito ko yung ‘Pulubi at Prinsesa’ kaysa sa Princess Sarah. Parang mas makulay ‘yung ‘Pulubi at Prinsesa’ in terms of storytelling and acting,” ani Camille.

Pagsang-ayon naman ni Angelica, “Parang na-challenge na tayo doon. Parang pinagtrabaho na talaga tayo sa ‘Pulubi at Prinsesa.’ Kasi sa Princess Sarah parang medyo naglaro lang tayo. Sa ‘Pulubi at Prinsesa,’ mas may work na siya.”

At tungkol nga sa mga intriga at tsismis noong mga panahong pinagtatapat na sila ng mga fans, kailanman daw ay hindi sila nagpaapekto sa mga ito.

“I vividly remember na nag-uusap tayo nu’ng bagets tayo na ‘Huwag tayo magpapadala sa mga sinasabi nila.’ Medyo mature kaming dalawa na alam namin kapag pinag-aaway kami,” sey ni Camille.

Sinabi naman ni Angelica na isa si Camille sa maituturing niyang tunay na kaibigan sa harap at likod ng mga camera.

“Kasi rivalries, eh. I don’t think maiiwasan ‘yun kasi ganu’n ‘yung industriya. Sana nga hindi ganu’n, pero ganun eh. Well siguro din kasi bata tayo noon.

“Hindi naman para sa atin ‘yung ‘Ay mas nakakaangat-angat ako dito.’ Siguro kung teenagers tayo pinag-ganu’n, medyo baka naka-affect. Talagang magkaibigan tayo eh, hindi naman tayo nagplastikan,” paliwanag pa ni Angge.

https://bandera.inquirer.net/321389/angelica-panganiban-camille-prats-binalikan-ang-traumatic-experience-noong-teenagers-pa-sa-showbiz

https://bandera.inquirer.net/309547/angelica-nahirapan-sa-unang-3-buwan-ng-pagbubuntis-susuka-iiyak-tatawa-mainit-ang-ulo-para-akong-kinikiliti

https://bandera.inquirer.net/305450/angelica-panganiban-ayaw-nang-maniwala-sa-kembak-kapag-may-history-ng-pambubudol-never-again

Read more...