Herlene iyak nang iyak dahil sa bagong house & lot: Sayang wala si Nanay, tapos ‘di pa namin ma-feel kasi parang panaginip lang…

Herlene Budol

“KAHIT umiyak ako ng dugo rito, hindi na mababayaran yung ibinigay n’yo sa aming pagpapahalaga, Mima, kaya susuklian namin ng buong pamilya ko lahat.”

Yan ang bahagi ng pagpapasalamat ng Kapuso comedienne na si Herlene Budol nang makalipat na sila sa bago nilang bahay na iniregalo ng kanyang talent manager na si Wilbert Tolentino.

Paulit-ulit na pinasalamatan ni Hipon Girl ang kanyang manager sa bago niyang vlog sa YouTube na may titulong “BAGONG HOUSE AND LOT NI HERLENE BUDOL.”

Makikita sa video ang loob at labas ng bagong bahay nina Herlene na matatagpuan din sa kanyang hometown na Angono, Rizal.

Sabi ng dalaga, ang nasabing house and lot ang isa naging motivation niya sa pagsali niya sa Binibining Pilipinas 2022 pageant.Pahayag ni Herlene patungkol kay Wilbert, “Sobrang generous niyang tao, ang unang minotivate niya sa akin, ‘Nak sumali ka, hindi naman para sa akin ito, e, para naman sa iyo ito, e.’

“Hindi talaga siya tumigil na i-push ako every day na magkikita kami. Sinasabi niya sa akin, ‘Kaya mo iyan, ano ka ba?'” ani Hipon Girl.At nang alukin nga siya ng manager na sumali sa Binibining Pilipinas kapalit ang isang bonggang bahay, “Praktikal na tayo, hindi naman kami mayaman ng pamilya ko.

“Kung nakikita niyo naman sa mga vlog namin, wala kaming kisame, mainit yung bahay namin, magulo yung bahay namin. Isa yun sa pangarap ko, na magkaroon kami ng bahay,” pag-amin ni Herlene.


Ikinagulat din ng lolo ng dalaga na si Tatay Oreng ang pagkakaroon nila ng sariling bahay. Kitang-kita sa reaksyon nito ang kaligayahan nang makapasok na sa bagong tahanan.Biro ni Herlene sa kanyang lolo, “Kapag gusto mong huminga nang konti, diyan ka.Tapos halimbawa gusto mong magrebelde, pa-party ka, diyan ka dadaan.

“Halimbawa hindi kita pinayagan, tapos gusto mo tumakas, mag-tugs-tugs ka, diyan ka dumaan. Hindi kita mapapansin,” sey pa ng beauty queen.Nang makarating sila sa living room, nabanggit ni Herlene kung bakit nakararamdam sila ng mixed emotions.

“Parang ang bigat, yung saya namin naghahalo na sobra. Masaya kami kasi may bahay ganyan. Pero sayang wala si nanay, tapos di namin ma-feel na may bago kaming bahay kasi parang panaginip lang.

“‘Tay gising na tayo tara, almusal tayo.’ Tay pag may mga friends ka tapos gigimmick kayo, dito na lang kayo sa bahay. Party place mo na talaga ito ‘Tay,” aniya pa.

Kasunod nito, ipinakita ni Herlene ang litrato ng yumao niyang lola na si Nanay Bireng sabay sabing, “‘Nay eto yung bahay, tingnan mo blue yung ano, bahay.”

Baling naman niya kay Tatay Oreng, “‘Tay kay Sir Wilbert lahat iyan ‘Tay. ‘Di matutupad lahat ng pangarap natin kung wala siya.”

Samantala, sabi naman ni Wilbert patungkol sa alaga, “Naging praktikal lang din siya. Una, ayaw niya rin magpaayos. Sabi ko para sa ikabubuti para sa career mo, ayan gawin mo.

“Ang ipinangako ni Herlene this coming July 17, graduation niya, may bahay na para sa iyo Tatay, at huling regalo niya yung korona. Pipilitan niyang magkaroon siya ng korona,” sabi ni Wilbert.

Ito naman ang umiiyak na mensahe ni Herlene kay Wilbert na tinatawag niyang Mima, “‘Di ako makapagsalita. Sobrang saya nung buong pamilya ko ngayon. Masaya ako na masaya yung pamilya ko.

“Hindi ko in-imagine sa buong buhay ko na mangyayari sa amin ‘to. Mima, I love you. Salamat nang marami,” aniya pa.

Sabi naman niya kay Tatay Oreng, “Kasi kahit anong trabaho ko, Tatay, hindi ko kayang ibigay sa inyo yung ganitong kagandang buhay. Kahit hindi ako kumain nang isang buong taon, hindi ko kaya ibigay sa inyo ito. Si Sir Wilbert lang talaga lahat.

“Kaya sobrang salamat Mima, kasi wala na kaming hihilingin pa. Binigay mo na lang lahat. Talagang ginamit ka ng Panginoon na instrumento para maging pangalawang magulang ni tatay.

“Kaya si nanay napanaginipan ko kaninang umaga kasi siguro ginising niya ako. ‘Nak, gising na.’ ‘Nay, eto na bahay natin, tara na dito umuwi ka na.

“Hindi ako magiging malungkot kasi sobrang saya itong araw na talagang ito para sa amin lahat. Kahit umiyak ako ng dugo dito, hindi na mababayaran yung binigay niyo sa aming pagpapahalaga, Mima. Kaya susuklian namin ng buong pamilya ko lahat,” pagtatapos ni Herlene.

Sagot naman ni Wilbert sa kanya, “Prayers lang okay na sa akin. Isama niyo ako sa prayers, malaking bagay na sa akin.”

https://bandera.inquirer.net/314425/herlene-budol-binabatikos-ng-mga-netizens-i-love-the-duality

https://bandera.inquirer.net/320753/herlene-gumawa-ng-kasaysayan-sa-mundo-ng-beauty-pageant-huwag-matakot-maiba-laging-maging-binibining-hindi-inaasahan
https://bandera.inquirer.net/309320/basher-walang-awang-nilait-at-minaliit-si-herlene-budol-maganda-ka-sana-kaya-lang-bobita-ka

Read more...